Sa babaeng aking pinakamamahal.
Elarya,Sa mga sandaling nababasa mo ito,
Huwag ka sanang magagalit kung idinaan ko sa sulat ang lahat ng emosyon at sakit na naipon sa akin. Kase kapag naiisip ko na magagalit ako sa'yo o magdadamdam, imposibleng mangyari yun. You always have the charm that I can't resist. I can't be mad to the person who gives me light in times of chaos.Naaalala mo ba noong mga panahong para tayong mga bata na puro alitan at away pero palaging napipiling magpatawad,
Noong mga panahong tinulungan mo ako gumawa ng assignments,Noong mga panahong pinoproblema ko kung paano ka uungusan pero kaya lang naman kita kinompetensya dahil gusto kong makuha ang atensyon mo,
Nakakatuwang isipin at balikan ang mga sandaling iyon dahil I still live in those moments.
Kahit para akong nagpapaamo ng dragon na parang mas lalaki pa sa akin kung umasta.
All those times, I know it's you that I'm gonna love for as long as I exist.Alam ko na alam mo yun. Alam ko na nararamdaman mo yun. Siguro naman sapat na yun para mapatunayang palagi kitang pipiliin sa kabila ng lahat.
Sa kabila ng pamumuhay mo sa takot
Sa kabila ng akala mo at pakiramdam mo na hindi ka magaling,Maybe I fail to express my love in formal ways pero sa bukod tanging paraan sinusubukan ko palagi na iparamdam sayong bukod tangi ka sa lahat.
Malaya kitang sinusuportahan at ipinagmamalakiTapos para akong naglalakad kasama ang prinsesa kapag trip nating pumunta sa canteen
Palagi, alam ko at ramdam mo na palagi kong ipaparamdam sa'yo na mahal kita. Kailangan mo lang makinig,
Sa bawat kumain kana ba?
Sa bawat ingat ka!
Sa bawat ang galing mo,
Sa bawat kaganapan na gusto kong kasama mo ako.
Gusto kong magkasama tayo.Pero ngayon nagbago na ang lahat, konti nalang to sa dreams do come true at happy ending na pinapangarap ko.
Kahit nakakapagod,
Kahit nakakapanghina,
Pinili kong magpatuloy,
I'll gather all the courage,
So that I could marry the love of my life.
Its something that is worth the wait.
Sa kabila ng lahat, I'm in tears writing this dahil ito pala ang ibig sabihin ng matyagang paghihintay. May biyayang darating at ngayon kapiling na kita.Alam ko na nag simula tayo sa wala kaya naman masaya akong umabot tayo dito ng magkasama.
Ikaw ang "mahal kita" at bawat "sakit" na aking naranasan.
I never thought that the woman whom I loved so bad would now be a person whom I'll share the rest of my life with.
Gagawa tayo ng mga kwento mula sa mga ala-ala ng nakalipas hanggang sa hinaharap.
Kung hindi ka lang nabubuhay sa takot,
Kung hindi lang pinatay ang pag-ibig mo ng takot,Alam ko na hindi sapat ang panahon para tuluyan kang gumaling mula sa nakaraan pero sana lumaban ka rin para sa atin,
Dahil unti-unti ng naaapula ang damdamin ko. Pero kahit ganon sapat kang dahilan upang manatili kahit malapit ng maabo ang mga bagay na aking pinanghahawakan.
Mahal kita at patuloy kitang mamahalin dahil umaasa ako na isang araw na tuluyan din kitang masasagip mula sa kawalan.
Pero hindi ako susuko,
Kahit nakakapagod,
Kahit mahirap,
Kahit nakaka ubos,
Kahit wala na akong kakapitan,
Kahit wala ng matira pa sa aking sarili.
Pinili kong mahalin ka kaya pinili ko na rin siguro ang masaktan ng gumawa ako ng desisyon.
Mahal na mahal kita Elarya,Gabayan mo sana ako dahil dahan-dahan ko ng naliligaw ang aking sarili. Gusto kong manatili sa piling mo,
Gusto ko ding piliin mo ako
Hindi yung pinili mo ako dahil napilitan ka.
Mahal na mahal kita Elarya kahit nakakapagod.
Ang lalaking nangako na hindi ka susukuan,
LucioI sighed heavily and wiped off tears na kanina pa pala nagu-unahang tumulo.
Tama sya,
Matagal syang lumaban para sa akin. Pero wala man lang akong ginawa.
Kaya bago mahuli ang lahat
Bago sya mawalan ng pag-asa,
Bago sya sumuko,
Ay gagawin ko rin ang aking makakaya.
Dahil mahal ko sya,
Dahil mahal nya ako
At hindi sya karapat dapat na makaramdam ng sakit.
Ipaparamdam ko sa kanya na hindi ko sya iiwanNa nagamot nya ang mga sugat ng nakaraan ko
Na hindi ko sya iiwan kahit maging gaano kahirap
Pipiliin ko ng magmahal at sumaya,
Pipiliin ko na si Lucio,Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi.
Tutulungan ko sya upang taliwasin ang tadhanang pumipigil sa aming damdamin. I'm selfish and self centered kaya sobrang thankful ako na nanjan sya.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong tama para ibigay sya saken.
Magiging matapang ako para sa amin sa pagkakataong ito,
Habang tinitignan ang mga larawan na nakasabit sa dingding masaya kaming dalawa. Sapat ito para magpatuloy, sapat ito para magmahal.
Madami na kaming pinagdaanan at mas madami pa kaming pagdadaanan ng magkasama.
Itatrato kitang parang hari sa kung paano mo ako pinahalagahan bilang reyna. Mula sa mga piraso ng palasyong tayo mismo ang bumuo.
Magpahinga ka sa aking piling,
Hayaan mong alagaan kita sa kung paano mo ako iningatan. Palagi kitang mamahalin.
Salamat sa mga nagawa mong isakripisyo para sa akin.Mahal na mahal kita,
Salamat sa pag unawa na hindi ako kasing lakas mo,Mahal na mahal kita
Salamat sa pagmamahal at hayaan mong mahalin kita ng higit sa ibinigay mo,Mahal na mahal kita
Patawad kung hindi ko namalayang nawawasak kita, masyado akong nabulag sa ideya ng kung anong kaya mong ibigay para sa akin.Sana mapatawad mo ako at bigyan ng pagkakataon.
Kung maibabalik ko lang sana ang nakalipas, kung nalaman ko agad na tutuparin mo ang pangako mo. Hindi ko pala pagsisisihan ang desisyon ko.
Alam ko malayo ito sa mga pelikula at kwento na binabasa natin pero bukod tangi itong kwento na ating pinagsaluhan.
Salamat sa pagsagip mo sa akin sa kawalan ngayon hayaan mong gabayan kita patungo sa pagmamahalan nating binuo. Hindi mo pagsisisihan ang pananatili.
I'll be deserving this time.
Huwag kang susuko.
Pagtinahak natin ang hinaharap magbabago ako para sa'yo at para sa atin,
For the best,
Salamat at na hanap sarili sayong yakap.
Ikaw itong pangarap.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romansa"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"