KABANATA 12

7 1 0
                                    

Tama ba ang narinig ko?
Liligawan moa ko?
Seryoso kaba?

Oo, alam mo yan.

Alam ko na ang damdamin ko para sayo,
Alam ko nararamdaman mo yan.

Totoo itong nararamdaman ko, ganun ako kasigurado dito. Wala naman sigurong mali sa taong pinili ang magmahal,

At ikaw ang napili kong mahalin sa kabila ng lahat.

Hindi ako katulad ng inaakala mo.
Makakahanap ka rin ng kapintasan at kakulangan sa akin. Hindi ako katulad ng inaakala mo na nababalot ng hiwaga, wala akong ipinagkaiba sa isang deboto na sumasamba sa isang santo na wala pang ipinapakitang himala. Nagtatago ako sa pagiging masayahin at ikaw ang unang nakakita ng aking totoong anyo. Natatakot ako, dahil bago ka dumating ay tinatrato kong salita lamang ang mga pangko, wala itong saysay hanggat hindi ito natutupad. Ako ang kape na kailangan ng lahat sa umaga, lalo na ikaw pero alam ko na iiwan mo rin ako sa oras ng aking panlalami, kapag hindi mo na ako maintindihan. Kapag natabig mo ako ng hindi inaasahan ay magmamantsa ako sa iyong damit at alam ko na hindi ka matutuwa. Kaya naman magpapasya ka na iwan ako sa hapag na parang parke na binibisita noon ng lahat pero tuluyan ng nalimot.

Magsasawa ka din sa akin dahil pangungunahan ako ng pangamba dahil hindi ko alam kung hanggang kalian ka sigurado. Hindi natin alam kung hanggang kalian magniningning ang mga tala sa kalangitan na minsan nating naging tanglaw.

Hahayaan kita na magparamdam ng iyong damdamin pero kapag naramdaman mong pagod kana ay hahayan kitang mamahinga. Hahayaan kitang magdesisyon ng mga bagay na sa tingin mo ay makakabuti para sayo.

Ayaw kitang madamay sa aking karimlan.
Pero wala akong nasabi kahit isang salita.
Hindi ko alam kung bakit ako natahimik ng mga sandaling iyon pero may bahagi sa akin na nagtatalo.

Tama bang hayaan ko sya?
Oo nandito rin ako sa kalituhan ng damdamin ko para sa kanya pero paano kung isang araw ay bigla nalang magbago ang lahat?

Hahayaan ko syang mahalin ako at magpahayag ng damdamin sa gitna ng aking kalituhan. Paano kung sa huli ay maging miitsa ito para tuluyan ko syang mawasak?

Para akong nangako ng liwanag sa gamo-gamo na naglalaro sa aking apoy. Natatakot akong lubusan para sa kanya.
Baka naman hindi ko lang maamin na may nararamdaman na rin ako para sa kanya?
Ano nga ba ang ikinatatakot ko?

Ang pagkawasak mula sa mga walang kasiguraduhang bukas?
Ang katiyakan ng kanyang damdamin?
O ang tyansa na makawala sa kadena ng pag-iisa?

Ikaw Lucio kaya mo bang patunayan na mali ang pinaniniwalaan ko? Huwag ka sanang sumuko sa pagtatangka na sagipin ako sa kalungkutan.

Huwag mo sana akong sukuan.

LIFETIME Where stories live. Discover now