KABANATA 30

3 1 0
                                    

Mabuti nalang hindi kita sinukuan. Mabuti nalang hindi kita sinukuan sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, kung ginawa kong sumuko siguro habang buhay ko itong pagsisisihan. Naging mahirap, oo, pero ngayon bahagi na lamang lahat ito ng mga ala-ala.
Pagkatapos ng maraming taon ng paghahanap at pagsagot sa mga tanong at kaguluhang hindi ko naman talaga alam kung mareresulba.
Kung bakit ako nanatili?
Kung bakit ako nagmahal ng taong may kakayahan na wasakin ako dahil sa kanyang nakaraan?
Unti-unti,
Naliliwanagan ako.
Dahil nagpakita ka ng mga rason kung bakit kailangan kong maunawaan na sa isang relasyon kailangang bilang magkatuwang kayo sa lahat ng bagay.
Nabibigyang linaw na at kabuluhan ang mga sakripisyo para sa minamahal. Napakarami na naming pinagdaanan, napakarami pa naming tatahakin. Kahit pa sabihin na ala-ala na lamang ang nakalipas, hindi natin maipagkakaila na malaking bahagi ito ng aming kwento.
Kung tutuusin kasal nalang talaga ang kulang. We're together for almost 8 years kaya naman masasabi kong kilala na namin ang isat-isa. Marami na kaming narating ng magkasama. Meron na kaming sariling bahay at sya lahat ang nag lagay ng dekorasyon dito.
Kulay ng kurtina,
Disensyo sa pinto,
Ang sofa sa salas,
Ang mga letrato na nakasabit sa dingding.
Ang ideya na kaya nya akong samahan mula sa pagiging isang byahero hanggang sa nakapagpundar kame ng sarili naming sasakyan.
Ilan lamang ito sa resulta ng mga paghihirap nating magkasama at nagmamahalan. Parang muling nag liwanag ang mga bituin sa kalangitan upang ipaalala sa akin na ito na ang katuparan ng aking mga dasal. Ang pagmamahal na ibinibigay ni Elarya ang aking dasal,
Dahil nasagot nya ang mga tanong at kaguluhang hindi ko kayang iresulba. Nabigyang linaw na ang mga sakripisyo at paghihirap, ang walang humpay na pagpapatawad, ang walang katumbas na suporta at ang walang kapantay na pagmamahal. Marahil nasagip na nga kita mula sa sakit na dala sa'yo ng nakaraan kaya walang paglagyan ang tuwa ko para dito.
Mabuti nalang hinintay kita at ipinaglaban.
Nakahimlay ako sa piling ng babaeng aking pinakamamahal. Para syang anghel na napakaamo ng mukha. Hindi ko kayang mawala sya. Hindi naging madali pero alam kong sulit ang lahat. Isa akong maswerteng nilalang na nahanap ang pag-ibig at tahanan sa isang pagkakataon.
I should start this beautiful day with my person by doing her favourite breakfast and brewed coffee for us. Life's undeniably beautiful as her.
Nung bata pa ako, pinapangarap ko lamang ang isang simpleng buhay kasama ang isang butihing may bahay. Pero ngayon,
Abot kamay ko na sya,
Abot kamay ko na ang aking mga pangarap,
Abot kamay ko na ang langit sa piling nya,
Natagpuan ko na ang tahanan at pag-ibig,
Kapiling ko na si Elarya.

LIFETIME Where stories live. Discover now