Wala ng mas sasakit sa trahedya na pareho kayong umiibig ngunit hindi sumasang ayon ang tadhana.
Walang kasiguraduhan ang mga pangakong binitawan. Para lamang itong mga salitang binibigkas at walang isang saglita ay malilimutan. Ito ang trahedya sa sugal na ating pinasok, mauubos tayong hindi natin malalaman kung may pagkakataon bang tayo ay mananalo. Ito na marahil ang sandaling ating kinatatakutan na dumating.
Hindi natin alam kung bukas makalawa ay tapos na ang lahat,
Na nagbago na ang lahat.
Paano kung sinasalungat tayo ng tadhana? Wala tayong laban sa mga pwerssang mas may kakayahan upang idiktaang mga maaaring mangyari.
Nilalang lamang tayo upang umibig.
Nilalang lamang tayo upang maglakbay.
Mapalad tayong makakahanap ng sasagip sa panahon ng ating kawalan.
Ngunit paano ang mga taong naglaho sa hiwaga ng pag-ibig? Kung sila ang nagsisilbing gatong upang manatiling nagliliyab ang apoy ng damdamin.
Ito ang magpapatunay,
Na ang trahedya at pag-ibig ay magkawangis. Malilinlang ka sap ag-aakalang ang makukuha mo ay pagmamahal ngunit ang sasambulat sayo ay unti-unting pagkabigo,
Ang pagdanak ng mga hindi maintindihang rason,
Mga lagi nalang bang ikaw?
Mga paano naman ako?
Mga bawat sumosobra kana,
Mga bawat sawa na ako,
Tapusin na natin to.
Walang nais mamalagi sa pang araw-araw na trahedya. Kaya naman umaasa tayo na may isang taong darating upang iahon tayo sa pagkakalubog mula sa mga masasaklap na pangyayari.
Paano kung hindi pumanig sa atin ang tadhana?
Magkasama nating sasalungatin ang nakatakda. Dahil higit na kaduwagan kung hahayaan nating kainin tayo ng takot. Papatayin nito ang busilak nap ag-ibig na posible nating maialay.
Gawin natin ang lahat,
Huwag tayong sumuko.
Huwag naman sana.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"