KABANATA 34

6 1 0
                                    

Kasinungalingan nga ba ang pag-ibig o hindi pa lamang ako handa na ito ay maunawaan?

Taliwas,
Malayo ito sa depinisyon na aking inaasahan.
Napatunayan ko na ito na minsan, hindi kakayanin palagi ng pag-ibig ang maayos ang lahat. Sapagkat may mga araw na kahit si Elarya ay hindi nya maintindihan ang sarili nya, hindi naming maunawaan kung bakit kami nananatili.
Lalo na ako,
Dahil minsan ko ng nagawang kwestyunin ang aking sarili at kakayahan upang mapunan ang patlang ng kanyang pagkatao.
Gamit ang dala kong pagmamahal,
Gamit ang lahat ng pupwede kong ibigay,
Kahit malapit na din akong maubos.
Taliwas ito sa nakasanayan nating magkasama,
Ang pagkakape,
Kwentuhan,
Ang pagkain ng sabay sa hapag,
Ang pamamasyal sa parke,
Ang mga yakap at halik na unti-unti ng lumalamig.
Hindi ito ang letrato ng pag-ibig na minsan kong nakita, naramdaman at nakasama. Nakatitig ako sa ating larawan, habang pinapanuod kang abutin ang mga pangarap mo. Samantalang ako naman itong maiiwan na nagdududa sa sarili kong kakayahan.
Ang pag-ibig sa ating pagitan ay nagkaroon ng distansya. Pero patuloy kang pinipili, patuloy akong nananatili,
Nauubos ang sarili,
Sa patuloy na pagpili sayo,
Naniniwala sayong pangako,
Kahit di na totoo.
Dahil nangako ako na mamahalin kita, kaya nandito ako sa tabi mo. Kahit hindi mon a maintindihan at hindi na mahanap ang rason kung bakit ka nananatili, kahit maapula na ang apoy ng iyong pag-ibig.
Yayakapin pa rin kita sa abo ng mga masasayang ala-ala,
Yayakapin pa rin kita sa hiwagang dala nito, maniwala ka, mananatili ako.
Hanggang sa kuminang kang muli, kahit maubos ang tinataglay kong liwanag. Mamahalin kita sa kahit ang kaakibat nito ay ang sarili kong pagkawasak.
Lalaban ako hanggat kaya ko
Tataya ako hanggang sa parehas na tayong manalo
Pipiliin kita at magpapatuloy.
Kahit pasakit ang aking kahinatnan,
Magiging sulit ang sakit dahil sa sayang dinala mo.
Sapat bang dahilan ang pag-ibig upang pigilan ang tuluyan kong pagkawasak? Alam ko na hindi ko pa kayang sagutan sa ngayon ang tanong na ito.
Kung darating ang mga sandaling tulad nito,
Kung dadating man sa tagpo na masasaktan moa ko at mawawasak ng hindi mo nalalaman. Hahanapin ko ang rason kung paano tayo nagsimula,
Babalik ako kung paano tayo nagsimula,

Mahal kita,
Sapat na ito para muli akong magpatuloy.

LIFETIME Where stories live. Discover now