Palagi tayong mananatili kahit dumating ang araw na unti-unting mapapwi ang saya. Kailangan mong yakapin ang iyong katuwang sa kabila ng kanyang kapintasan at pagkukulang.
Mahal kita,
Mahal natin ang isat-isa,
Nararamdaman ko ito, at sapat na ito upang manatili at magpatuloy.
Sa kabila ng kakulangan.
Unti-unti nitong pinupuno.
Dahil may mga araw na hindi natin kayang maintindihan ang rason kung bakit pa nga ba tayo nananatili.
Hindi araw-araw masaya,
Ito ang larawan ng buhay.
May parte ng ating sarili na ipipilit nating itago sa lahat sapagkat hindi nila ito kakayaning maunawaan may ilang tao lamang na mangangahas ngunit iisa ang magtatagumpay.
Sasamahan kita sa lungkot ng buhay hanggang sa maging maayos ang lahat. Kapag nangyari ito ay hindi mo na kakailanganing lumisan hindi ba?
Kapag unti-unti mo ng naaabot ang iyong pangarap.
Kapag kumikinang ka ng muli na parang mga bituin sa kalangitan na wala akong ibang magagawa kung hindi ang masdan ka mula sa malayo.
Mananatili akong tagahanga
Mananatili akong nahuhumaling sa taglay mong ganda.
Ngunit habang hindi pa natin nararating ang tagpong iyon,
Patuloy kitang yayakapin.
Kahit dahan-dahan ka ng bumibitaw. Yayakapin kita hanggang sa maging sapat ito upang piliin mo rin ang manatili.
Hahayaan kitang yakapin ako pabalik,
Hayaan mong tuparin ko ang aking mga pangako sayo. Elarya, mamahalin kita sa mga araw na hindi mo kayang mahalin ang iyong sarili.
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"