KABANATA 2

36 2 0
                                    

Walang makakapantay sa kasiyahan ko ng mga sandaling iyon, habang suot ko ang isang maganda at eleganteng damit pang-kasal, habang unti-unti kong nararating ang altar.

Tanaw ko ang isang sandal na hindi malilimutan ng mga kababaihan sa kanilang buhay, ang seremonya ng kasal, ang pinaka-aasam ko na kasal.
Nandun sa may altar ang isang mistulang prince charming na inaantay ko, ngunit nakakapagtaka na hindi ko lubusang maaninag ang kanyang mukha. Ang naiisip ko na lamang ay napakaswerte naman ng lalaking ito, total package lang naman ang mapapangasawa nya.
Matalino,
Maganda,
Magaling magluto
At lahat pa ng katangian na pupwede mong hanapin sa pinapangarap mong babae.
Napakaganda ng pagkakataong ito sapagkat nandito ang lahat ng malapit sa pamilya namen at mga kaibigan na sobrang saya para aming dalawa.

“Tayong lahat ay natitipon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahal. May tumututol ba sa mga sandaling ito?
Opo, itigil ang kasal.
Isang boses ng malapit na babae ang pumigil sa kasal ko.”
Akala ko ay kung sinong babae ang nabuntis nya at naghahabol, si mama pala, ginising na ako ni mama.
“Aba senyora tanghali na ho, marami ng biyaya ang nakalampas sa iyo kakatulog mol.”

Alas-dos na pala ng hapon, hindi ko na naman alam kung bakit ako napuyat. Ganun pa man, I love my mom kahit kabisado ko na ang mga litanya nya sa araw-araw.
“mama naman e, kikiss the bride na tapos manggigising ka, pabiro kong tugon”
Bumangon ka jan at kumain tanghali na, magkape ka na rin para naman kabahan ka sa mga sinasabe mong bata ka.

Kahit ganun pa man na hindi ko lubusang nakita ang itsura ng mapapangasawa ko, sobrang swerte nya. Ano pa ba ang aasahan mo sa akin e ako lang naman ang sikat na si Elarya Samonte Buencamino, ang president ng student organization at editor in chief sa “Pluma at Papel” ng R. Concepcion Montessori School Inc.

They say I’m an accomplished woman, that’s why people always thought that I do have a high-standards but they are all wrong. Naaapreciate ko lahat ng bagay sa paligid kahit maliit, as long as wala itong magiging masamang epekto sa lahat.
Mababaw akong tao, siguro dahil tinatawanan ko nalang lahat para ikubli ang lungkot ng buhay. Im fond of eating together with friends, yung mga tao na kilala talaga ako, and with manong berting na may ari ng ihawan malapit sa bayan kung saan ako nag-aaral. Sobrang saya kaya tumabay habang kumakain kasama ang barkada,

Pero pagkatapos ng isang mahaba at masayang araw I have to face the idea of being alone.
Well hindi naman literal na mag-isa. I was raised in a broken family. Im living with lola Ruperta na mitikolosa sa gamit at gawaing bahay, and also with my tita/ninang na all out ang suporta pero dapat palagi akong natutulog ng maaga para hindi sya magalit sa akin.

Ayaw ni lola na basta na lamang ako mawawala sa paningin nya, siguro dahil ako ang unang babaeng apo kaya nauunawaan ko naman sila. Minsan nga lang e may pagka over-acting na kahit kay mama lamang naman ako pupunta ay magwawala na para bang kung saang lupalopp ng mnundo ako nanggaling.
Magkaibang bahay yung inuuwian namen, siguro para mabantayan na din si lola. Si mama naman ay nakatira sa talagang bahay namen. Kasama si klein na nag-iisang kapatid ko na lalake. Wala syang ibang gagawin kung hindi ang asarain ako. Hindi siguro kompleto ang araw nya ng hindi ako nababadtrip. Pero kahit ganun pa man he’s the first man na tanggap ako sa kung ano ako bilang ako at nangako na poprotektahan ako pag laki nya. Sweet kung iisipin at hindi maipapagkaila na I’m so lucky to have him pero minsan hindi ko maiiwasang isipin kung bakit ko kapatid ang monggoloid na ito.

Kidding aside, I can’t afford to lose him.
Si mama ang buhay na depenisyon at halimbawa ng strong independent woman. Napakarami na nyang kinaya at isinakripisyo para sa amin. Walang makaktumbas sa mga ginagawa nya at kaya pang gawin para sa pamilya.
Kaya kahit papaano
Pipilitin ko
Kahit mabagal
Unti-unti
Dahan-dahan kong tutuparin ang mga pangarap mo para sa amin
Hindi ko ipagkakaila na ikaw ang larawan ko ng pagiging malakas. Kaya itinatak ko sa sarili ko na kaya kong mabuhay ng walang katuwang, kaya kong mabuhay mag-isa, kaya ko at kakayanin kong magpatuloy mag-isa.

Siguro sa mga kwento na lamang ni Nicholas Sparks at sa panaginip na lamang ako maniniwala sa mga happy endings dahil taliwas ito sa nangyayare sa totoong buhay.
Dahil hindi kasing tibay ng dibdib ng mga lalake ang binibitawan nilang mga pangako. Isama mo na ang matatamis nilang salita na para bang naibulalas na nila ito sa lahat ng kanilang nakasalamuha.

Sugal ang pag-ibig at masyado akong matalino para malinlang.

Tapos na akong maniwala sa hiwaga ng pag-ibig. Ayaw kong matulad sa sinapit ni mama ng dahil sa pesteng pag-ibig na yan.
Pero sana may maglakas loob na baguhin ang paniniwala ko. Hindi naman siguro masama na mangarap na baka may maglalakas loob na sagipin ako mula sa sarili kong kalbaryo.
Sana sa hinaharap

Sana may dumating upang making sa pinakatatago kong mga kwento
At papayungan ako sa tag-ulan
Ipagtitimpla ako ng kape
Sasamahan ako sa mga walang kasiguraduhan
Hindi man sa ngayon, pero sana balang araw
Sa ngayon ay isasantabi ko muna ang aking damdamin. Dahil namulat ako na ang kasunod ng pag-ibig ay pagkawasak at nasirang mga pangako.
Napabuntong hininga na lamang ako, sobrang dami pa lang bumabagagbag sa aking isipan. Naubos ko na rin ang aking kape ng hindi ko namamalayan. Magtatapos na naman ang isang panibagong maghapoon at sa paglubog ng haring araw ay may paparating na bagong umaga, bagong pag-asa.

Tapos na ang mahabang bakasyon, grade 4th year na pala ako bukas.

Alam ko na hindi ko mararating ito kung wala ang pagmamahal nila at suporta. Alam ko na mahal na mahal nila ako, pero parang palaging may kulang. Siguro dahil lumaki akong walang kalinga ng isang ama? O bahagi lamang ito ng isang palabas, ang pagiging malakas ko sa harap ng maraming tao ay isang kasinungalingan.

Gusto kong malinawan
“kalabisan ba ang natanggap kong pagmamahal o sadyang kulang lamang ito upang punan ang patlang ng aking pagkatao?”

LIFETIME Where stories live. Discover now