KABANATA 17

7 1 0
                                    

Mahiwaga,
Maganda,
Mapanlinlang,
At nakakahumaling.

Ito ay ilan lamang sa anyo kung saan mo masasalamin ang mukha ng pag-ibig.
Elarya mas nauunawaan ko na sa pagkakataong ito na may mga bagay na hindi mapipigilang mangyari dahil ito ang nakatakda. Tayong dalawa marahil ang nakatakda sa kabila ng mga hamon. Alam ko na may posibilidad na hindi ganung kasigurado ang nararamdaman mo. Pero hayaan mo at makita mon a karapat-dapat ako sa piling mo. Alam ko na hindi ka sigurado sa patutunguhan nito pero sana ay magkahawak tayo ng kamay sa paglalakbay na pipiliin nating tahakin.

Mahiwaga ang pag-ibig kaya ganito nating pinapahalagahan ang mga tao na ating minamahal. Naglalaan tayo ng panahon at oras para mapasaya sila para mahalin din nila tayo. Dahil hindi magiging pareho ang pagtingin kung agaran nating mahahanap ang pangarap nating katuwang sa buhay. Mahiwaga ang pag-ibig kaya naman hayaan mo akong mhalin ka na parang imposible mo akong saktan. Mahiwaga ang pag-ibig at pipiliin ko palagi ang mahalin ka.
Maganda ang pag-ibig sapagkat ito ang nagbibigay ng kulay sa mundong ating ginagalawan. Sigurado na akong umiibig ako sayo, sa mga sandaling nasilayan kitang ngumiti masasabi kong napakaganda ng napili kong mundo. Ikaw ang aking mundo, ang piraso ng langit na natagpuan ko sa lupa.

Mapanlinlang ang pag-ibig dahil sa hindi nating malamang dahilan, kung ang iniaalay nilang damdamin ay may totoo at busilak na intension. Natatakot tayong mawasak sa pagbabalat kayo ng kung sino mang mangangahas na pumasok sa ating buhay.

Nahumaling ako sa taglay mong pagkatao. Ito siguro ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko pagsisisihan ang mahalin ka. Ikaw ang bagong depenisyon ko ng pag-ibig. Sapagkat hindi lamang ito bastang pagtanggap sa kalangitang maliwanag, kaakibat din ito ng pagyakap sa kalawakan sa panahong ito ay madilim.

Mahal kita Elarya, tatanggapin kita at yayakapin sa kung paano ko nauunawaan ang ibat-ibang mukha ng pag-ibig. Tatanggapin kita kahit sa panahong hindi ka buo, yayakapin kita sa kabila ng iyong kapintasan at kalakasan.

Mahal kita Elarya,
Mahal na mahal.

LIFETIME Where stories live. Discover now