KABANATA 36

3 0 0
                                    

Mahal kita at ito ang totoo.
Mahal na mahal kita, sa kabila ng bawat bahaging kinamumuhian mo patungkol sa iyong sarili. Mahal kita sa mga araw na pakiramdam mo ay kinamumuhian kana ng lahat dahil ayaw mong tumanggap ng atensyon ng kung sino man. Mahal kita sa kung ano at kung sino ka man dahil ikaw bilang nilalang ang bumihag sa aking puso. Malugod kong tinatanggap ang lahat ng unos at sakunang maaari kong matamo simula ng magdesisyon akong mahalin ka. Hayaan mong paamuhin ko at pakalmahin ang mga bagyong minsan mong kinaharap. Sapat na siguro ito para masabing minamahal kita.
Mananatili ako sa piling mo hanggat pumapayag ka at gugustuhin mong manatili ako. Napakasarap mabuhay at alam ko na sa mga sandaling ito ay hindi ko nakikita ang sarili kong magpapatuloy ng wala ka sa aking piling. Mananatili akong palagi sa kabila ng walang kasiguraduhang pagtingin.
Mananatili ako at maninindigan sa kabila ng lahat. Mahal kita at umabot na ako sa sukdulan, nakalimutan kong kinamumuhian ko ang aking sarili dahil napamahal na ako sa'yo ng lubusan. Mananatili akong magmamahal sa'yo sa kabila ng mga unos at sigwang magbibigay sa'yo ng takot upang magpatuloy. Mamahalin kita hanggang sa mga sandaling ikaw na mismo ang tatanggi sa pagmamahal ko.
Mahal kita kaya hindi ko magagawa ang sukuan ka.
Sa kabila ng kabiguan at tagumpay,
Sa kabila ng pagmamahal at pagkamuhi
Sa kabila ng sigurado kong damdamin at ang posibilidad na hindi mo sa akin pagpili.
Kung nagawa mo lang sana akong mahalin sa kung paano kitang minahal simula ng umpisa. Kung nagawa mo lang sana akong mahalin sa kabila ng nga takot mo at pangamba.
Mahal kita sa kabila ng walang katupasang sakit na kaakibat ng pagpili ko sa'yo. Ang sarili kong tahanang unti-unting nawawasak. Mahal kita kahit nakakalimutan ko na ang sarili ko.
Parang isang sugat na gumagaling dahil sa panglunas, ikaw ang aking panglunas na gagamot sa sakit na pinili kong tanggapin.
Mahal kita at patuloy kitang mamahalin. Alam ng Diyos, kahit unti-unti na akong nakakaramdam ng pagod. Pero sa kabila ng lahat magpapatuloy ako dahil mahal kita. Kaya hayaan mong tuparin ko ang lahat ng pangako ko sa'yo.
Mahal kita habang buhay kahit nakakapagod.

LIFETIME Where stories live. Discover now