Ang busilak at totoong pag-ibig ay mananatili hanggang sa walang hanggan.
Elarya, ngayon na kabahagi na ako sa mga kwento mo at nakaraan. Hayaan mo akong alagaan kita sa paraan na alam ko. Hindi ko maipapangako na wala itong katulad pero ang masasabi ko lamang ay gagawin ko ang lahat para mabura ang posibilidad ng pagdududa sa iyong isipan.
Mas mamahalin kita sa kabila ng iyong kapintasan at pagkukulang. Hayaan mong punuan ko ito kahit umabot sa pagkakataong ako ang mauubos,
Na ako ang mawawalan.
Ang mahalaga ay nasagip kita sa kwalan kung saan ka naging komportableng mamalagi. Kahit hindi ko na matahak ang daanan pabalik sa piling mo dahil ako na ang nawal sa sarili kong katinuan.
Pero pipilitin kong magpatuloy hanggang sa matagpuan kita sa kabilang ibayo. Gagabayan ako ng mga kwento at ala-alang minsan nating pinagsaluhan.
Maaring iba ang depenisyon ng busilak at totoong pag-ibig para sa bawat isa. Pero bukod tangi kong mailalarawan ang pag-ibig ko para kay Elarya,
Ang kanyang mga ngiti,
Ang nakakatunaaw nyang tingin,
Ang mala koronang buhok,
Ang pusong mapagpatawad,
Ang damdaming mapagbigay.
Marami na akong nakitang rason upang umalis pero niyakap ko ang mga ito sa kung paano ko niyakap ang mga bagay na bumihag sa akin upang lalo kang magustuhan.
Bukod tangi ang depenisyon ng totoo at busilak na pag-ibig. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na ito ay matagpuan.
Ngunit ngayon ay nandito kana,
Pinili kita sa kabila ng walang kasiguraduhan. Pipiliin ko na ring maging tama para sayo.
Pipilitin kong manatili kahit piliin mo akong saktan. Pipiliin kong manatili kahit hindi mo nalalaman.

YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"