Ang hindi natin pagsugal at pagbabaka sakali ay malaking sugal na maaaring humantong sa pagkawala ng mga bagay na mahalaga sa atin, baka tuluyan nitong tangayin ang lahat sa atin.
Kaya sumugal tayo pareho,
Kailangan nating sumugal sa kabila ng takot na matalo,
Kailangan nating sumugal sa kabila ng takot na mabalewala,
Kailangan nating sumugal sa kabila ng takot na mawasak,Kung nabubuhay tayo sa takot ay para na rin tayong natatakot na mabuhay?
Nakakalito, sapagkat hindikagaya ng katawan na kapag napagod ay umiiyak. Nananatiling tahimik ang puso sa kabila ng kanyang pagkawasak.
Ayaw nating mag alay ng siguradong bahagi ng ating puso para sa mga taong hindi natin tiyak kung permanenting mananahan sa ating buhay. Ito na marahil ang pamumuhay sa takot at pag-iisa hindi natin alam kung mananatili sila ng tuluyan o aasa tayong isasama nila ang ating persona sa kanilang pag-alis.
Kaya sa kabila ng walang kasiguraduhang damdamin ay magmahal tayo ng lubusan. Huwag tayong maging anino na lilisan sa piling ng isat-isa kapag sumapit ang pinaka-madidilim na araw.
Magmahal tayo na para bang binigyan tayo ng prebelehiyo at kasiguraduhan na wala tayong matatamong guho, pagsisisi at sugat na maaaring maging dahilan upang matakot sa susunod na paglalakbay.
Sapagkat imposible ang mabuhay ng payapa at hindi makakapanakit. Minsan ay sapat na ang mabuhay sa takot upang patayin ang lahat ng posibilidad na tayo ay sasaya. Dahil may mga buhay na parang pinapatay ng pag-ibig at mga mga ala-alang nabubuhay ng dahil sa pagmamahal. Lahat ay nakakakilala sa anyo ng pag-ibig sa ibat-ibang paraan,
Ingat ka,
Kumain ka na ba?
Galingan mo,
Masaya ako para sayo,Kailangan mo lamang makinig.
Upang hindi dumating sa tagpo na mabubuhay tayong kinamumuhian ang lahat dahil hindi nila tinanggap ang alay nating pagmamahal.
Kung totoo ang mensahe ng awitin na ang kwento ng pag-ibig ay kamusta at paalam. Subukan nating tumaliwas,
Subukan nating manatili,
Sa yakap ng isat-isa.Para wala tayong pagsisihan sa dulo. Gagawa tayo ng tahanan sa mga ating mga kwento, gawin mong tahanan ang aking buhay.
Dahil ang isang tao ay magiging tahanan kapag nabubuhay syang kasama ang pag-ibig.
Mabubuhay tayong kasama ang pag-ibig.
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"