KABANATA 18

7 1 0
                                    

May mga awitin at lugar na maghahatid sa atin sa mga magagandang ala-ala.
Iba sa lahat ang taong ito. Sapagkat hindi ko alam kung saang parte ng institusyong ito at paligid na ating ginagalawan ang wala pa nating bakas. Larawan sila sa lahat ng mga kwentong ating nabuo ng magkasama.
Tawanan,
Alitan,
Kulitan,
Hinaing,
At mga pangarap sa buhay.
Lucio ikaw ang buhay na saksi sa kung paano ko marahang ibinababa ang harang na pumipigil upang tuluyan ko ng makalimutan ang sakit ng nakaraan. Salamat sa dedikasyon mo upang sagipin ako sa kawalan kung saan ko piniling manahan.
Hindi ako duwag,
Lalong hindi rin ako takot.
Ayaw ko lamang umasa sa posibilidad na ituring kita bilang bago kong tahanan kung saan pipiliin kong mamalagi. Palagi akong magkukwento sayo ng mga bagay na bago kong natututunan at mga bagay na aking kinamumuhian. Kung paano mo pinapaklama ang mga bagyo at gera na gumugulo sa akin. Tinulungan mo akong magsimula muli, gamit ang mga guho at piraso na hindi mo aakalaing mapapakinabangan pa.
Lucio may mga awitin at lugar na palaging magpapaalala sa akin na kasama kita at ikaw ay mananatili. Kapag wala ka sa paligid, kapag hindi ka abot ng aking tanaw, kapag ang gagabay na lamang sayo ay ang mga miminsan kong panalangin.

Ang mga liriko,
Ang mga kalsada,
Salita at tugma,
Ang lansangan,
Kung pipiliin ko ang maglakbay ng mag-isa palagi kong matatandaan na may mga lugar at awiting magpapaalala na minsan akong namalagi sa piling mo.
Ikaw ang paborito kong kanta na palaging magpapaindayog sa akin upang sumayaw.  Tuwangan mo sana ako sa hinaharap.

LIFETIME Where stories live. Discover now