KABANATA 41

5 0 0
                                    

I’ve seen this.
Walang duda, katulad na katulad ito ng nasa panaginip ko. Ang pinagkaiba lamang ay ang tagpong ito, habang lumalakad sya papalapit sa altar ay unti-unti kong naaaninag at nakikita ang kanyang maamong mukha.
Nagsisi-awit na ang mga anghel

Si Elarya ang misteryosong babae na dumadalaw sa aking panaginip. Nalutas na ang palaisipang matagal na gumulo sa aking utak. Sa kabilang dako ay sinong mag aakala na ikaw ang aking magiging hantungan sa kabila ng napakadaming pangyayare. Halos isumpa mo ako sa araw-araw nating pagkikita. Naalala ko noon ng sabihin mo na kung makakasama natin natin ang tatlong tao na gumawa ng masama at kalapastanganan, at may pagkakataon ka na sila ay barilin ay napili mo pa ding iputok sa akin lahat ng talong bala.

Ganun mo akong kinamumuhian. Sinong mag-aakala na may posibilidad palang magbago ang ikot ng mundo ng dahil sa pag-ibig.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng alitan at hindi natin magandang simulain, sa kabila ng ng masasamang nangyari, mga away at tampuhan ay nandidito tayo ngayon sa harap ng altar upang mag-isang dibdib. Malayo ka sa babaeng aking pinapangarap, ganun din ako sabi mo, pero nandito tayo ngayon at kapiling ang isat-isa. Mapaglaro ang tadhana. Bukod tangi ka sa lahat, ito na marahil ang dahilan kung bakit tuluyan akong nahulog sayo na parang bulalakaw.

Nagsimula ng maglakad ang mga kasali sa seremonya ng ating kasal. Ang mga cute na bata, ang mga kaibigan natin at ang ating mga pamilya.

Habang ako, hinihintay kita, naglalakad ka suot ang iyong napakaganda at eleganteng damit pang kasal. Malayo ito sa pinapangarap kong kasal dahil gusto ko ay yung simple, mas lalong hindi ko naisip na sayo ako mapakasal, hindi rin tayo ang pangarap ng isat-isa.

Pero mahal kita,

Kaya naman
Elarya hayaan mo akong mahalin ka na para bang ito lamang ang tamang desisyon na ginawa ko sa aking buhay. Sigurado akong ang luhang nangingilid sa aking mga mata ay dala ng kagalakan.

Magsisimula na ang seremonya kaya natahimik ang lahat.

Tayong lahat ay natitipon mga kapatid sa pananampalataya upang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Lucio at Elarya. At dahil umabot kayo sa sandaling ito, kayo ay magbalik tanaw sa lahat nyong pinagdaanan bilang magkasintahan, ibig sabihin simula sa mga araw na itoay magkasama na kayong haharap sa mga hamon ng buhay. Ito ay alam ng inyong mga magulang at ito ay nakatakda, gabayan sana nila kayo upang higit na maunawaan ang doktrina ng kasal, kung gaano ito kasagrado, kung gaano ito kadakila.
Sapagkat pinili nyo ang landas ng pag-ibig, wala kayong papagsisihan.

(Sabay tayong magbibigkas ng ating susumpaang mga pangako)

Ang singsing na ito ay ang kakatawan sa ating pagmamahalan. Saksi ang mga tao na kasama sa ating pagtitipon, sa harap ng Diyos. Sa hirap at ginhawa, sa kalungkutan at kasayahan, sa buhay at kamatayan.
Nangangako ako na iibigin ka.
You may now kiss the bride, walang pag aatubili kitang hinalikan. This is something right, I’ve done something right in my life and that is to marry you. And from that moment I already saw the next one hundred years of my life.
Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng banal na simbahan, I now pronounce you husband and wife.
Nagpalakpakan ang mga tao
Tuwang tuwa sila para sa atin
Magkahawak tayo ng kamay habang binabagtas ang paglabas ng simbahan, patungo na rin ito sa bagong simula.

Nagsisigawan ang mga tao
Nagpapalakpakan
Tuwang tuwa

Pagbubukas ito ng bagong kabanata.
Ito pala ang kahulugan ng alapaap
Natagpuan ko ang langit sa piling mo.
Naramdaman ko kung ano ang ibig sabihin ng magmahal at mahalin,
Ng magpatawad at makalimot.
Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig,

Mamahalin kitang palagi, araw-araw
Hanggang sa susunod na habang buhay.

LIFETIME Where stories live. Discover now