May mga araw na matutunghayang madilim ang perpektong kalangitan. Hindi natin masusulyapan ang mga bituing makinang at buwang kay rikit. Pero naniniwala tayong nanjan lamang sya sa paligid,
Babalik sa mas magandang anyo.
Ganito tayong iibig,
Kahit hindi natin makita ang kabuuan ng taong ating minamahal. Kahit minsan nya lamang ipakita ang ganda ng mga natatago nyang bahagi. Maniwala ka na patuloy ang kanyang pagkinang kahit hindi mo nakikita dahil naniwala kang kaya nyang maging maningning sa kabila ng isang mundong kay dilim.
Masaya akong unti-unti ka ng nagliliwanag sa aking piling.
Hayaan nating maihalintulad tayo sa araw at buwan. Ako ang magbibigay ng bagong simula para sa'yo at ikaw ang gagabay sa akin sa mga panahong hindi ko mahanap ang rason ng aking pananatili. May panahon para sa bukod tangi nating pagliliwanag at alam ko na sa mga sandaling ito, sa mga oras na makakaramdam ako ng pagod ay aakayin mo ako para matahak ang simula at magpatuloy na mag mahal.
Sapagkat hindi ko maipapangako kung kilala ko pa ang aking sarili kapag wala ng natira sa akin upang punuan ka. May mga tala sa kalawakan na nauubusan ng kinang sapagkat wala na itong sapat na lakas upang magningning. Ikaw naman sana ang lumaban para sa atin. Dahil alam ko na naramdaman mong ibinuhos ko ang lahat para mapasaya ka at sagipin sa kalbaryong minsan ng naging kakambal ng iyong pagka tao.
Mahal kita Elarya at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginawa ko. Ikaw pa lamang ang tamang desisyon na hindi ko pinagsisisihan. Ikaw pa lamang ang unang desisyon ko na may katiyakan.
Mahal kita Elarya kahit nauubos na ako,
Mahal kita at sapat na siguro ng dahilan ito para tupadin ang mga pangako ko sa'yo.
Lucio binigyan mo ako ng katiyakang hindi mo ako sasaktan. Pinatunayan mo ito at alam ko na patuloy mo pa itong papatunayan. Siguro nga tama ka, ang pag-ibig ay isang pwersang magtutulak sa'yo para magpatuloy sa kabila ng pasakit.
Hayaan mong ako naman ang umakay sa'yo sa ating paglalakbay. Alam kong na pagod kang sagipin ako mula sa kalungkutan. Mula sa mga araw na ito ay magkasama na tayong magpapatuloy, magpahinga ka sa piling ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/233652937-288-kc3f21c.jpg)
YOU ARE READING
LIFETIME
Romance"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"