KABANATA 42

8 0 0
                                    

Kakagising ko palang at biglang,
Lucas ipinapatawag ka sa opisina ni Mrs. Salazar, ano bang kalokohan ang ginawa mo? Wala sagot ko, dahil wala naman talaga. Pero hindi ko maitatanggi na kinakabahan ako
Nakakatakot
Anong ginawa ko?
Bakit?

Pinapatawag nyo daw po ako Mrs. Salazar? Oo Mr. Gutierrez.

Sige maupo ka.

Frankly speaking, that was a masterpiece Mr. Gutierrez, sinong mag-aakala na kaya mo palang gumawa ng mga ganuong klase ng pyesa, magaling ka, may potensyal ka.
Ah eh, salamat po. Akala ko po kase e nakagawa ako ng mali kaya nyo ako ipinatawag pabiro kong tugon.
With that talent, would you mind to join our group? Tungkol sya sa mga writings, essay, poems and literature.

Iko-consider ko po maam
Tama, pag-isipan mo.

Ano palang ang inspirasyon mo para masulat yung obra maestra mo?

Its too personal maam, pero sasabihin ko na rin po. They say mas maganda ang mag open sa isang taong hindi natin gano’ng kakilala. Tungkol sya sakin maam. May minamahal ako at hindi ganung kalakas ang loob ko para maamin ang nararamdaman ko, takot po akong isakripisyo ang pagkakaibigan namen. Takot akong sumugal at magbakasali na mahal nya rin ako. Kaya sumulat ako ng istorya na kaming dalawa ang para sa isat-isa, malabo ko po kaseng aminin sa kanya yung feelings ko. Sana nga kung may parallel universe man, sana magawa ko or nagawa kong mag confess sa kanya ng nararamdaman ko.

Ipinaparamdam nya rin kase na mahal nya ako

Ramdam ko kaseng mahal naming ang isat-isa

Takot lang kaming umamin.

Ang masasabe ko lamang ay napakagaling at napakaganda ng pag-areglo mo sa istorya, pero nakakalungkot nung nalaman ko ang dahilan kung bakit mo sya nasulat. Ganun pa man, aantayin ko ang desisyon mo kung sasali ka sa organization namen. Pag-isipan mong Mabuti ha, saying ang potensyal mo.

Thank you po ma’am.

Talaga yatang totoo ang kasabihan, ang pag-ibig ay hindi pag-ibig hangga’t hindi tayo nasasaktan. Tanggap kita sa kabila ng lahat-lahat. Tanggap kita at mananatili ako sa kabila ng hindi mo kailanman malalamang sakit, mananatili ako sa tabi mo kahit ilaan mo ang lahat ng iyong oras sa pagtupad ng iyong mga pangarap.

Ganun kitang iniibig.

Labing apat na taon na kitang minamahal ng palihim Anjeliene Elirya Sarmiento pero patuloy pa rin akong nahuhulog at nahuhumaling sa taglay mong kagandahan.
Tao po?
Nanjan pa po ba si Lucas?
Narinig ko ang pagtawag mo, at nagpaalam na ako kay Mrs. Salazar.
Nanjan kana pala Elirya.

Tapos na?
oo

Bakit ka daw ipinatawag?

Gawa nung kwento na sinasabi ko sayo
Walang ano-ano pumasok sa aking isipan na sabihin na sayo ang aking nararamdaman
Habang bumubwelo ako, wala na akong nagawa

Niyaya mo na akong umuwi
Sana, masabi ko na sayong mahal kita
Sana malapit na

Sana magkaroon ako ng pagkakataon
Mahirap ang pigilan itong sarili at hindi ko maamin na mahal kita pero mas mahirap ang mahalin ka ng palihim

LIFETIME Where stories live. Discover now