KABANATA 24

4 1 0
                                    

Ang pagtanggap natin sa isat-isa.
Ang nakaraan,
Kasalukuyan
At ang walang katiyakang hinaharap.
Sa paglipas ng mga araw ay natutunan kong tanggapin ang bahagi mong kay tagal ng nakatago. Ang nakaraan mo,
Kung bakit ka ganyan,
Kung ano ka sa kasulukuyan
At kung ano man ang kakahinatnan ng hinaharap.
Ang buhay ay isang gulong ng paglalakbay. Hindi natin alam kung saan ito patungo. Wala tayong ideya kung saan tayo nito dadalhin. May mga pagsubok at paghihirap tayong matutunghayan pero hindi tayo nito mapipigil. Magpapatuloy tayong magmahal, magpapatuloy tayong mabuhay.
Dahil higit na matimbang ang nangyari kung ito ay naka ayon sa takda ng oras at tadhana. Mas maganda ng higit sa hilaw at pilit na pagsasama.
Ang paglalakbay natin patungo sa walang hanggan ay magpapakita ng mga dahilan kung bakit kailangan nating huminto at umayaw. Pero sana samahana mo pa rin ako hanggang sa sigurado kana na gusto mo ng manahan sa aking piling.
May mahahanap kang mas higit,
Pero huwag mo sanang hanapin sa iba ang aking pagkukulang.
Pinipilit ko itong mapuno,
Basta pipiliin nating magpatuloy at manatili.
Gagabayan tayo ng mga bituin sa kalawakan at mga anghel sa langit. Ikaw ang nasagot kong pagsamo at mga dasal,
Ang unti-unting katupara ng aking mga pangarap.
Tayo ay mananatiling umiibig.
Kahit dumating sa pagkakataon na tayo ay nahihirapan na,
Marahan,
Sigurado,
Aabutin natin ang ating pangarap ng magkasama.

LIFETIME Where stories live. Discover now