KABANATA 13

8 1 0
                                    

Niligawan nya ako sa bukod tanging paraan. Ang mabuhay sa espirito ng pagmamahal at ang palagiang pagpapaalala na mayroon akong kakampi.
Hatid at sundo
Mga sulat,
Talata,
Tula,
Bulaklak
At mga mabubulaklak na sa salita ma para bang sigurado na syang lubusan sa kakahinatnan ng lahat. Baka nga ito ang sinasabi nilang tamis ng unang pag-ibig.
Ayaw kong mahumaling sa ideya ng tuluyan mong pagsagip sa akin, ayaw kong mahumaling sa ideya ng pader ng kalungkutan at kasiyahan.
Pero unti-unti
Tinitibag mo ito,
Unti-unti
Sinasagip mo ako.

Ito ang kanyang liham ng pag-ibig,

Elarya,
Kapag sinabi kong mas mahal kita
Ay hindi lamang ito bastang mahal kita.
Isa itong talinhaga na maraming pakahulugan.
Maaaring nagpapasalamat lamang ako para sa lahat.
Dahil kapag sinabi kong mas mahal kita
Ang ibig sabihin ay mas mahal kita ng higit sa mga araw na lumipas.
Kapag sinabi kong mas mahal kita
Ito ay nangangahulugan na mas mahal kita sa mga bangayan na ating naranasan.
Sapagkat mas mahal kita
Kesa sa bawat milya at metro, sa distansyang maghihiwalay sa atin. Sa mga kapintasan at pagkukulang.
Mas mahal kita sa kabila ng iyong kamalian.
At kapag sinabi kong mas mahal kita,
Ibig sabihin ay mas matimbang ka sa lahat ng pagsubok na posible nating kakaharapin.
Mas mahal kita kesa sa mga gabing darating na maiisip mong ayaw mo na
Mas mahal kita sa mga pagkakataon na posible akong masaktan kahit hindi mo nalalaman.
Mas mahal kita kesa sap ag-aakala mo na imposible ang maging tayong dalawa.
Sapagkat mas mahal kita at kailanman ay hindi sasagi sa aking isipan na ikaw ay kamuhian. Mas mahal kita sa kabila ng lahat ng rason para iwan mo ako.
Dahil kapag sinabi kong mas mahal kita, mrami itong natatagong kwento, mga kwentong nasaksihan at hindi pa naisusulat.
Sapagkat mas mahal kita at patuloy kitang mamahalin.
Mamahalin ng higit pa sa lahat,
Higit pa sa lamat
Mamahalin ng higit pa sa lamat na maibiibgay mo sa akin.

Tapat kitang iniibig,
Lucio

Mabilis ang tibok ng aking puso ngayon, para itong mga tambol na gumagawa ng isang dalisay na musika, mapapasayaw ka sa ganda ng kanyang ritmo.

Hindi pa siguro ito sapat para tuwangan mo ako sa indayog ng sayaw at pag-ibig, ipagpatuloy mol ang ito Lucio.

LIFETIME Where stories live. Discover now