PANGWAKAS

26 0 0
                                    

Ika-14 ng Pebrero, 2020

Lucas,

I know it’s kind’a weird how everything started, pero alam ko it really hits different. Naramdaman ko ang sincerity mo through that apology, it may sound rude with something like,
“oh’ eto panyo, ayusin mo ang sarili mo kasi ang pangit mong umiyak”
nagtawanan ang lahat, and I have no choice but to fix myself that time.
Sinong mag-aakala na simula sa mga araw na iyon ay mag-iiba ang ihip ng hangin. You turned out to be the man whom I couldn’t stop myself from falling. Sabi nga ae minsan kung sino pa ang pangit ang simula e sila pa ang magkakaroon ng magandang samahan, pero alam ko na hindi lamang ito hanggang doon. Ipinakita mo sa aking iba ang nararamdaman mo, baka mahal mo din ako.
Since that day ikaw ag naging number one fan ko, ikaw ang unang magchi-cheer up saken when I’m sad, you help me with everything, building my career, my self-esteem, my flaws and imperfections. You made me fall in love with myself even more.
Kung paano mo tinaggap ang lahat ng kapintasan ko. Mahirap mang itanggi pero mas lumambot ang puso ko nung sinabi mong,
“ikaw ang pinakamaganda kapag tumutugtog ka, kapag ginagawa mo ang mga bagay na gustong-gusto mo”
Unti-unti
Nahuhulog
Mabagal

Pero hindi ko pinigilan ang sarili ko, dahil ipinakita mo sa’kin na ganun ka rin. Baka natatakot lamang tayo na umamin sa ng nararamdaman naten para sa isa’t-isa. Kaya minabut kong mahalin ka ng patago, ng palihim, ng malaya.

Alam ko na minsan ay kinamumuhian mo ang sarili mo dahil walang taong perpekto at lahat ay may kapintasan, pero sana nakikita mo ang sarili mo sa kung paano kita nakikita siguro mauunawaan mo kung paano mo binigyang kulay ang miserable kong mundo. Mahal na yata kita at sigurado na ako sa nararamdaman ko, kung mo man ako ay hindi ako tatanggi at malugod kong isusuko ang aking puso. Kung dumating man ang pagkakataon na iyon, sana hindi pa huli ang lahat.

Dahil alam ko na takot ka sa matataas na lugar habang ako naman ay masayang nagmamatyag sa ganda ng mga tanawin, mga ulap at dahan-dahang paglubog ng araw. Takot ka nga pala sa matataas na lugar, takot ka nga palang mahulog. Samantalang ako ay natatakot na isugal ang ating pagkakaibigan. Hindi sa dahil ayaw kong matalo, gusto ko lamang kumpirmahin na sasamahan mo ako sa mga walang kasiguraduhan at haharap sa mga hindi tiyak na bukas ng magkasama’t magkahawak kamay.

Sa ngayon, mahal kita sa paraang alam ako. Mahal kita higit sa mga tulang ipinababasa mo sa akin na wala akong ideya kung para kanino, magkagayon pa man ay sigurado akonng pipiliin kita sa araw-araw kasi mahal kita.

Mahal kita simula pa ng una, kaya’t salamat at hinayaan mo akong mahalin ka ditto mula sa kinatatayuan ko, malayang umiibig sayo sa malayo.

Salamat sa pagsagip sa akin mula sa sarili kong kalbaryo
Salamat sa pagpapalakas ng loob ko
Salamat dahil hindi moa ko pinabayaan
Salamat sa paniniwala
Salamat sa suporta
Salamat sap ag-intindi
Salamat at nanjan ka
Salamat at natagpuan kita
Salamat sa pagmamahal na aking naramdaman kahit hindi kao sigurado kung parehas ang nararamdaman mo para sa akin.

Mahal kita hanggang sa mga araw na ito. Sapagkat araw-araw kitang pinipili kahit hindi mo nalalaman. Ikaw lamang ang tiyak sa lahat ng aking mga duda
“You’re the one that got away and you never knew”

Sa’yo lamang ako iibig,
Elarya


"Baka hindi pa tama ang oras
Baka hindi ngayon
Baka sa susunod
Baka hindi talaga
Baka hindi talaga tayo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LIFETIME Where stories live. Discover now