Kabanata 1
Papa
--
"Hindi pwede, Amora. Baka mapahamak ka lang dyan sa kung ano mang trabaho na yan. Hindi pwede," si Mama habang nagpupunas ng lamesa habang ako naman nakaupo.
"Mama, hindi naman siguro ako mapapahamak. Tsaka mukha namang mabait yung babae--"
"Hindi nga pwede, Amora," hinarap nya ako. "Pinagbabawalan nga kitang tumulong sa akin sa paglalabada, dito pa kaya? Magtigil ka."
Ngumuso ako. "Mama naman. Sige na. Mag iingat naman ako. Tsaka mayaman yung babae. Itatanong ko kina Pearl kung kilala nila yon."
"Kahit mabait pa yan, Amora, hindi pa rin kita papayagan. Unahin mo ang pag aaral mo at ako na ang bahala sa lahat."
Bumagsak ang balikat ko at nakangusong tumingin kay Amara na nasa tabi ko at nag aaral. Nagkibit balikat lang sya sa akin at tinuloy ang pagsusulat nya ng kung ano ano.
Bumaling muli ako kay Mama. "Kung gusto mo, Ma, tawagan natin yung babae tapos ipakikilala ko sya sayo--"
"Tumigil ka, Amora. Ni pangalan nga ng babaeng yan hindi mo alam. Baka mamaya mapahamak ka lang dyan."
"Nagmamadali nga kasi sya kanina kaya hindi na sya nakapag pakilala pa. Pero may pangalan naman nya dito sa card, oh. Juliette Salvador," pinakita ko pa sa kanya ang card pero hindi nya manlang iyon tinignan.
Naibaba ko nalang ang kamay ko at ngumuso ulit.
"Mama... kaya ko naman, eh..." sambit ko.
Tumigil sya sa pagpupunas at tumingin sa akin. Natigilan ako nang makitang nangingilid ang luha kanyang mga mata. Agad akong napatayo at lumapit sa kanya.
"Mama, bakit po kayo umiiyak?"
Umiwas sya sa akin at nagpatuloy sa pagpupunas. Nag alala ako lalo pero hindi na ako makalapit sa takot na baka itulak nya ako.
"Nag aalala lang naman kasi ako, anak. Hindi mo naman kailangang magtrabaho..." nahihirapang sinabi ni Mama dahil sa pagpipigil nyang umiyak.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Humikbi sya sa balikat ko kaya mas lalo ko syang niyakap. Hinimas himas ko ang likod nya.
"Kaya ko naman kayong buhaying dalawa ni Amara. Hindi mo na kailangan pang gawin ito, anak..."
Hindi ako sumagot. Alam kong mahirap para kay Mama ang mahiwalay sa akin at masakit rin sa kanyang makita na magtatrabaho ang anak nya imbes na sya ang gumawa noon. Pero desidido na ako sa desisyon ko. Tatanggapin ko yung trabaho para hindi na sya mahirapan pa sa paglalabada araw araw. Ayoko na syang nahihirapan ng ganito.
"Anak... hindi mo ito kailangang gawin..." paulit ulit iyong sinabi ni Mama.
Nang mahimasmasan si Mama ay kinausap ko sya ng maayos. Tutol pa rin sya sa pagtatrabaho ko pero nagdesisyun na akong tawagan si Mrs. Juliette Salvador gamit ang cellphone ni Thea kinabukasan. Wala akong cellphone o kahit anong gadgets kaya sa kanya nalang ako nanghiram.
"What is this, Amora? You will work?" Si Beatrice.
Nandito silang lahat sa amin. Nandito kami sa labas ng bahay namin kung saan may maliit na lamesa sa gilid. Agad agad sinabi sa kanila ni Thea ang tungkol sa nangyayari kaya agad agad rin silang pumunta rito.
Ngumuso ako at pumangalumbaba. "Oo. Magiging maid lang naman ako. Hindi naman siguro masama yon."
Umirap si Sofia. "Baka mamaya scam yan?"
"Hindi naman siguro. Mukha namang mabait yung babae."
"Eh, ano bang pangalan ng babaeng yan? Mayaman ba?" Tanong ni Bea.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...