KABANATA 26

182 8 0
                                        

Kabanata 26

Welcome Back

--

"Amora. Gising!" Inalog alog ni Jana ang braso ko.

"Hmmm..." ungol ko at niyakap ang isang unan ko.

"Gising! Nandyan na ang mga Salvador!"



Napadilat ako roon. Bumangon ako at hinarap sya.



"Huh?" Taka kong tanong.

"Nandyan na ang mga Salvador. Kadarating lang nila,"

"Akala ko ba bukas pa?" Tinignan ko ang bintana at nakitang gabi palang. Kinusot ko ang mga mata ko.

Nagkibit balikat sya. "Dumating na sila, eh,"

Bumuntong hininga ako. "Eh, bakit mo pa ako ginising?" Tamad kong sabi. "Inaantok pa ako, eh..."

Pilit syang tumawa roon. "Pinapatawag ka kasi ni Sir Joshua, eh,"

"Ha?" Nagulat ako roon. "Bakit daw?"

"Ewan ko. Baka uutusan ka,"

"Tsk," ngumuso ako. "Hindi nya manlang ba inisip na nasa kalagitnaan na ako ng tulog ngayon?"

"Sinabi ko ngang natutulog ka na pero inutos nya pa rin na gisingin kita,"



Bumusangot ako roon. Tumango na lamang ako sa kanya at umalis na sa kama. Naghikab ako at bumuntong hininga nang mapagtantong nandyan na naman sya, kay rami na namang iuutos sa akin. Tsk.



Lumabas ako ng kwarto at nagtungo na sa kanyang kwarto. Tahimik na ang buong paligid, mukhang agad nang nagpahinga ang mag asawang Salvador.



Kumatok ako sa kanyang pintuan nang makarating ako. Agad naman iyong bumukas at bumungad si Sir Joshua na nagpupunas ng kanyang basang basang buhok. Natigilan ako nang makitang wala syang damit pang itaas at nakatapis lang ng towel ang kanyang pang ibaba. Napakurap kurap ako at agad napirmi ang mga mata sa kanyang mukhang seryoso ang paningin sa akin.



"M-May utos kayo, Sir?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala manlang bang welcome back?" Anya.



Napakurap kurap ako roon tsaka pilit na ngumiti at tumawa.



"W-Welcome back, S-Sir.. hehe..."

Ngumisi sya. "Snacks,"

Tumango ako agad. "Opo, Sir,"



Agad agad akong tumalikod at umalis. Pumikit ako ng mariin at himpas hampas ang pisnging sobrang nag iinit. Gosh! Ilang pandesal yon? Walo? Oh my gosh!



Nang makakuha ng nga paborito nyang snacks ay agad na akong pumanik sa taas. Panay ang paghinga ko ng malalim dahil pakiramdam ko matataranta ako sa harapan nya, kailangan kong palakasin ang loob ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko kaya madalas ko rin iyong hinahawakan.



Nilapag ko ang tray sa kanyang study table tsaka tumingin kay Sir Joshua na nasa kanyang kama. Inalis nya ang tingin sa kanyang cellphone at tumingin sa akin. Nakadamit na sya ngayon at handa nang matulog. Namumungay na rin ang kanyang mga mata na para bang antok na antok na. Sobra siguro syang napagod sa bakasyon nila.



Nag iwas ako ng tingin. "May utos pa kayo, Sir?"

"Wala na. You can leave now..."



Gusto kong mainis sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Nagagalit ako pero hindi ko magawang sabihin dahil alam kong wala naman akong karapatan. Maid nya lang ako. Maid lang! Kaya anong karapatan kong magreklamo? Anong karapatan kong magalit nang dahil lang roon sa picture na yon? Tsk. Dapat ko na talagang tigilan ito.



Choosing my Dreams (Book One)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon