KABANATA 20

220 9 0
                                        

Kabanata 20

Annoyed

--

Pagkatapos ng gabing yon, hindi ko na alam ang mga nangyari. Hindi ko alam kung nakapag usap pa ba sila ng kanyang lolo o magulang tungkol sa nangyari. Wala naman na syang nautos pa sa akin noon kaya hindi na ako lumabas pa sa aming kwarto.

Tulala ako sa aking kwarto. Ayoko sanang mag isip pero hindi ko na mapigilan pa. Ang alam ko, puro iritasyon at galit lang ang nararamdaman ko palagi kay Sir Joshua. Pero anong nangyari ngayon at puro ilang nalang ang nararamdaman ko?

Dati kapag tumititig sya sa akin, naiinis ako, kapag inuutusan nya ako, nagagalit ako, kapag pinapahirapan nya ako, naiirita ako. Pero lahat ng iyon ay napalitan na ngayon ng ilang. Sa tuwing tititig sya sa akin, naiilang ako. Sa tuwing uutusan nya ako, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing pinapahirapan nya ako, hindi ko na magawang magreklamo.

Hindi ko alam kung bakit nagbago nalang ang lahat. Gusto ko pang mag isip. Gusto ko pang magtanong. Gusto ko pang isipin ng mabuti kung ano nga ba yung nagbago. Pero nagdesisyon na lamang akong wag na. Inisip ko nalang na siguro dahil iyon sa mga kabutihang pinakita nya sa akin. Sa mga kabutihang ginawa nya para sa akin. Nung nagsorry sya nung tinalisod nya ako dahilan ng pagkakalaglag ko sa pool, nung niligtas nya ako sa mga lalaking nagtangka sa akin at nung nagsorry sya para kay Ella.

Oo. Siguro nga dahil lang roon. Mabait na sya sa akin kaya hindi ko na magawa pang magreklamo. Mabait na sya kaya dapat lang na maging mabait na rin ako. Dapat hindi na ako nag iisip pa ng iba. Dapat wala lang lahat. Dapat maid lang ako at boss ko sya. Dapat ganon lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakatulugan ko ang pag iisip ko kagabi. Mabilis akong naligo at pagkatapos noon ay kumulo ang tyan ko. Tsk. Hindi nga pala ako nakakain kagabi. Gutom na gutom na ako.

Tulog pa sina Jana at Klara dahil sobrang aga pa talaga. Ala sais palang ng umaga ngayon. Sanay naman kasi talaga akong gumigising ng maaga.

Nagtungo ako ng kusina habang naghihikab pa. Ngunit natigilan ako nang makita roon si Sir Joshua, nagpapalaman ng tinapay. Napatingin rin sya sa akin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nagpatuloy lang sya sa pagpapalaman habang hindi na naalis pa ang tingin sa akin.

Nag iwas na lamang ako ng tingin at dumeretso sa ref para magluto ng pagkain.

"Did you eat last night?" Tanong nya bigla.

Natigilan ako ngunit nakabawi rin agad. Lumunok ako at nagpatuloy sa pagtitingin sa ref.

"Hindi po. Nakatulog po ako agad kagabi..." sambit ko.

Kumuha ako ng itlog at ham. Iyon nalang ang lulutuin ko dahil iyon lang naman ang madaling lutuin. Nagugutom na ako kaya gusto ko nang makakain agad.

"Kumain ka muna ng tinapay bago kanin. Sasakit ang tyan mo kapag binigla mo ang pagkain. You didn't eat dinner kagabi," anya.

Natigilan muli ako. Pumikit ako nang mas lalong kumabog ang dibdib ko. Kinagat ko ang aking labi tsaka nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan iyon. Mabait lang talaga sya.

"O-Opo..." pumikit muli ako ng mariin nang manginig ang aking boses.

Umayos ka naman, Amora.

Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanya at hindi nya nakikita ang ekspresyon ko. Ayokong malaman nya na nagkakaganito ako nang dahil sa kanya. Hindi nya pwedeng malaman to.

Hiniwa ko ang ham sa bilang na gusto ko. Nag alangan pa akong humarap kay Sir Joshua na nakaupo sa lamesa para magtanong.

"G-Gusto nyo po ba nito?" Nautal na naman ako!

Choosing my Dreams (Book One)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon