Kabanata 12
Birthday
--
Nagdaan ang mga araw na paulit ulit na naman akong pinapahirapan ni Sir Joshua. Pero ayos lang sa akin yon, basta hindi na nya idamay ang buhay ko. Psh.
Dumating na rin sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas noong webes at tinanong ako sa mga nangyari noong wala sila. Syempre, hindi ako pwedeng magsinungaling kaya sinabi ko na lamang ang totoo. Nagpaliwanag pa ako na hindi ko mapigilan si Sir at napakatigas ng ulo nya. Wala naman silang sinabi at napabuntong hininga na lamang.
"It's okay. Pagsasabihan nalang namin sya sa susunod," ani Ma'am Juliette.
Pagkatapos noon ay sinabi nya sa aking birthday ni Sir Joshua sa sabado kaya kailangan naming maghanda. Malaking party ang gaganapin dito sa mansyon at buong school daw ang imbitado.
Psh. Ang laki laki na, nagbibirthday pa? Che!
At nagyon ay sabado na nga kaya wala kaming tigil nina Jana at Klara sa pag aayos sa buong likod ng kanilang bahay. Doon gaganapin ang birthday ni Sir Joshua. Ayaw ni Ma'am sa loob dahil masyado daw magkakalat. Mahihirapan lang daw kami sa paglilinis.
Maaga kaming gumising para lang mag ayos. Ako naman ay walang kagana gana habang tinutulungan sina Jana at Klara sa mga ginagawa nila. Psh. Talagang nawawalan ako ng gana kapag para kay Sir Joshua ang ginagawa. Gosh. Ayoko nga syang ipag ayos.
"Busangot ka dyan?" Ani Jana habang nagluluto ng napaka raming ulam. Handa iyon ni Sir Joshua.
Ngumuso ako. "Tinatamad ako ngayon araw,"
Humalakhak silang dalawa ni Klara. "Ipagpaliban mo muna yung inis mo kay Sir Joshua. Araw nya ngayon, oh," ani Jana.
Umirap ako. "Wala akong pakialam,"
"Shh! Baka marinig ka nila Ma'am," ani Klara.
Mas lalo akong ngumuso roon at hindi na nagsalita pa. Nagbe-bake ng cup cake tsaka maliit na cake si Klara. Nagulat nga ako nang malaman na bukod sa pagkanta, marunong rin pala syang mag bake. Ang sabi pa nga ni Ma'am ay kapag may mga okasyon si Klara nalang daw ang pinag gagawa nya ng cupcakes para hindi na masyadong gumastos. Paborito daw nya kasi yon ni Ma'am.
Nang wala na talaga akong matulong kina Jana at Klara ay napag pasyahan ko na lamang na lumabas. Marami nang upuan at table sa labas, sa may pool area. May maliit rin na stage at may ilaw na pang bar na hindi pa nakabukas. Meron ring lalagyanan ng mga ulam sa gilid na wala pang laman dahil nagluluto pa sina Jana at Klara. May chocolate fountain pa roon at iba't ibang matatamis na desert.
"Amora, paki walisan yung sa banda roon. Medyo makalat," ani Ma'am Juliette na syang nag uutos sa iba pang trabahador na nandito.
"Opo, Ma'am," sagot ko at kumuha ng walis para makapag walis na sa tinurong makalat ni Ma'am Juliette.
"Tita!" Isang pamilyar na tinig ang aking narinig.
Napatingin ako sa gawi kanina ni Ma'am Juliette at nakitang nagbebeso sila ni Ella. Kulay itim na dress ang suot ni Ella at kumikinang kinang pa yon. May dala rin syang paper bag sa kabilang kamay habang ngumingiti kay Ma'am Juliette.
"Hija, napaka aga mo naman. Hindi pa yata gising si Joshua," ani Ma'am Juliette.
"Excited po kasi ako, tita. Tsaka no worries na po, ako nalang po ang gigising kay Joshua," matamis na ngumiti si Ella.
"Ganon ba? Osige. Nandoon sya sa kwarto nya,"
Tumango si Ella. "Sige po, tita. Bye," muli silang nagbeso.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
