KABANATA 17

154 9 0
                                    

Kabanata 17

Feelings

--

Kaming dalawa ni Klara ay sinabay ulit ni Sir Joshua kinabukasan. Ngunit nung araw na yon, pati sa umaga sinabay nya kami. Utos daw iyon sa kanya ni Ma'am Juliette at Sir Nicolas, sinusunod nya lang daw kaya wag kaming mag isip ng iba.

Hindi ko alam kung bakit palagi nyang iniisip na nag iisip kami ng iba. Ayaw nya bang iniisip namin na mabuti syang tao? Ayaw nya bang nagiging mabuti na sya sa paningin ko? Psh. Hindi ko talaga sya maintindihan.

Pero nagpapasalamat ako sa mga Salvador sa mga pinapakita at ginagawa nilang kabutihan sa akin at kay Klara. Kakaunti nalang ang mga ganitong amo kaya masasabi kong swerte ako. Yun nga lang, syempre malas pa rin ako sa isang tao dyan na palagi akong pinapahirapan. Gosh. Ampon talaga sya ng mga Salvador.

Pero sa totoo lang? Meron talagang tinatagong kabutihan yang si Sir Joshua, eh. At hindi ko alam kung bakit ayaw nya iyong ipakita. Nahihiya ba sya? Bakit naman sya mahihiya? Dahil ba kilala sya bilang isang masungit, suplado at antipatikong lalaki? Ganon ba? Psh. Hindi ko talaga sya maintindihan. Hindi talaga.

So, ayun na nga. Pagkatapos nung araw na yon ay hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Ayokong pansinin dahil alam ko sa sarili ko na wala lang yon. Pero wala nga ba? Kasi sa tuwing nakikita ko ang seryoso nyang mga mata, naiilang nalang ako palagi. Sa tuwing tinatawag nya ako, iba na ang nagiging epekto sa akin. Ganon na ang nararamdaman ko sa nagdaang isang araw. Nakakalito. Pero hindi ko na iniintindi pa dahil hanggat maaari, ayoko nang malaman pa kung ano iyong mga nararamdaman ko. Gosh. Ayoko.

Biyernes ngayon at ngayong araw na ang christmas party namin. Maaga lang kaming nag ayos ni Klara at sumabay ulit kami kay Sir Joshua na maaga rin. Naka ayos na ang buong school pagdating namin roon. Kaunti palang ang mga estudyante at ang tanging kasali lang sa mga magpeperform ang maaaga.

Iba't ibang dekorasyon ang makikita nasa labas ka palang. Kung ano ano ang nakasabit sa gate ng school. Ultimo sa parking lot ay meron akong nakikitang pula at berdeng mga palamuti.

Magaganda rin ang mga suot ng mga nandoon. Puro red dress ang suot nila, iyon kasi ang gusto ni Ma'am Juliette. Payag naman ang buong school dahil maganda naman ang red dress. Tsaka sa unang party lang naman nila yon susuotin. Kapag nasa kalagitnaan na ng party ay pwede na nilang suotin ang kahit anong gusto nilang dress. Gusto lang ni Ma'am Juliette na magpicture kasama ang mga estudyante suot ang mga ganong dress.

Pinahiram kaming dalawa ni Klara ng dress ni Jana. Iyon ang susuotin namin sa picture. Pula iyon na sobrang ganda at kasyang kasya lang sa amin ni Klara. Namangha pa ako dahil hindi ko alam na may ganon palang mga damit si Jana.

"Mauna na ako. Sabi ni Sir Joshua kailangan pa naming magparctice ng ilang minuto sa music room," si Klara.

Tumango ako. "Sige. Nandoon lang ako sa dance practice room,"

Tumango sya at pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso sya sa music room at ako naman sa dance practice room kasalungat ng daan papunta sa music room.

Itim na pants at itim na t-shirt ang suot ko ngayon. Ang sabi kasi ni Lia ay magpapractice din kami para sa performance mamaya kaya hindi ko muna sinuot ang dress na pinahiram ni Jana.

Suot na ni Klara ang dress na pula. Bagay na bagay sa kanya ang dress. Palda kasi yun sa dulo tapos ang suot nya lang ay sapatos na puti. Hindi ko alam kung paano bumagay ang suot nya na yon sa kanya. Sobrang cute nya at paniguradong maraming hahanga sa kanya. Lalo na at kakanta sya mamaya.

Nang makarating ako sa dance practice room ay nakita kong hindi pa rin sila mga naka dress. Iyon naman ang inaasahan ko. Nagpractice kami roon. Sabi ni Lia pwede kaming maligo ulit kung gusto namin dahil pagpapawisan kami. Ako maliligo talaga mamaya dahil kailangan fresh ako, noh. Duh. Ayoko ngang magmukhang adik sa stage.

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon