SIMULA

633 25 12
                                    

Simula

Job

--

Naghikab at nag inat inat ako ng katawan habang nakapikit na napangiti sa ganda ng gising ko. Nilingon ko si Amara, ang kapatid ko, sa gilid ko na mahimbing na natutulog. Nilingon ko rin si Mama na nasa gilid ko na mahimbing ring natutulog.

Ngumiti ako at bumangon na sa banig na hinihigaan namin. I stretched one more time before standing up and straightening up. Pagkatapos mag ayos nagluto na ako ng agahan.

"Amara, gumising ka na dyan. Tatanghaliin ka sa school!" Gising ko sa kapatid ko pagkatapos magluto.

Nilagay ko ang sinangag na nakalagay sa malaking plato sa lamesa at tinignan ang kapatid kong nakaupo na at nagkukusot ng mga mata.

Ngumiti ako. "Good morning, napaka ganda kong kapatid! Bumangon ka na dyan at mag ayos."

Tinignan nya ako. "Sobrang aga pa, ate."

"Hayaan mo na. Napaka bagal mong kumilos kaya tumayo ka na dyan."

Bumangon na rin si Mama maya maya dahil siguro sa ingay ng bunganga ko. Inaya ko na rin syang kumain para sabay sabay na kami.

"Maglalabada ka ba ngayon, Ma?" Tanong ko. Nasa harap na kami ng hapag kainan.

"Titignan ko pa kung may magpapalaba, anak. Biyernes naman ngayon," sagot ni Mama.

"Wag na muna kayong magtrabaho ngayon. Tutal nung miyerkules at webes nagtrabaho ka naman na buong araw. May kaunting pera na tayo kaya magpahinga ka na muna."

"Oo nga, Ma," anang walang emosyon kong kapatid. "Wala ka nang pahinga palagi."

Natawa si Mama sa amin. "Ito namang mga anak ko. Eh, para sainyo naman itong ginagawa ko."

"Naiintindihan naman namin yon, Ma. Ang sinasabi lang namin ay magpahinga ka naman kahit isang araw lang," ngumuso ako. "May pera naman na tayo ngayon dahil sa pagtatrabaho nyo kahapon at nung isang araw."

"Oo na, oo na," tumawa sya muli. "Hindi na ako magtatrabaho ngayong araw."

Pagkatapos naming kumain naligo na kami. Naunang naligo si Amara sa akin. Naghintay lang ako sandali at nang matapos sya ako naman ang sumunod. I wore my uniform and shoes. Nag suklay, nagpabango, kaunting pulbos at pagkatapos noon kinindatan ko ang sarili sa salamin.

"Tsh. Ang arte mo, ate. Tabi nga," si Amara at bahagya akong tinulak para makapag suklay sya sa harap ng salamin.

Sumibangot ako. "Grabe naman to! Ngayon na nga lang ako umaarte! Che!"

"Hoy, mga kapitbahay! Oras na ng pag alis!" Narinig ko na ang maingay na bunganga ng kaibigan kong si Thea sa labas.

Ngumuwi ako.

"Bilisan mo dyan. Nandyan na ang maingay," sabi ko kay Amara at nauna nang lumabas.

"Amora!" Sinalubong ako ng yakap ni Thea.

Tumawa ako. "Parang ano naman to. Miss na miss mo na ako agad? Magkasama lang tayo kahapon!"

"Ayaw mo nun? May isang dyosang nakakamiss sayo?"

Inirapan ko sya at humalakhak. Sabay sabay kaming naglakad papasok sa school. Inakbayan ko ang kapatid kong nakahalukipkip lang at seryoso ang mga matang nakatingin sa kalsada.

"Hoy, Amara," pagtawag ni Thea sa kapatid ko. "Nakita kita kahapon na may kausap na lalaki, ah? Binibigyan ka ng bulaklak pero ayaw mong tanggapin? Sino yon, ha? Ikaw, ah!" Nanunukso nyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. "Sino yon?" Tanong ko din.

"Wala yon. Nangungulit lang. Tinanggap ko na rin naman ang bulaklak dahil napapahiya na."

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon