Kabanata 28
Track
--
Pagdating sa mansyon ay hindi pa rin ako makausap. Nag aalala na si Klara at si Jana pero hindi pa rin ako nagsalita. Ngumingiti lang ako sa kanila ng bahagya para siguraduhin sa kanilang ayos lang ako kahit na... hindi.
Hindi ko alam kung anong kailangan ng lalaking yon pero nag aalala pa rin ako. Baka may gawin syang masama sa akin. O kina Mama at Amara na wala sa tabi ko. Natatakot ako pero mas natatakot ako para kina Mama. Sana naman walang masamang gawin sa kanila ang lalaking yon.
Wala talaga akong ideya kung sino sya. Kung pera ang kailangan nya, wala syang mahihita sa amin. Halata naman kung gaano kahirap ang buhay namin sa bahay palang. Sira sira ang bahay namin at marami pang butas ang bubong. Hindi na rin maayos pa ang pintuan. Kaya kung pera ang kailangan nya, bakit sa amin nya pa talaga napili?
Pero kung kami naman ang kailangan nya, ano namang kailangan nya sa amin? Pera? Eh, wala nga kami noon! Mata? Organs? Puso? Iyon ba ang mga kailangan nya? O nila? Gosh!
Napahawak ako sa aking sintido at pumikit ng mariin. Sobrang iniisip ko si Amara, pati na rin si Mama. Pero mas nag aalala ako kay Amara. Dahil kung mga organs nga ang kailangan ng lalaking yon, paniguradong mas puntirya nya si Amara. Dahil bata pa iyon at fresh pa. Malusog rin at hindi madalas magkasakit. Tsk.
Pero bakit pati dito ay nandito sya? Bakit pati ako ay sinusundan nya? Kailangan nya rin ba ako? Gosh. Bata rin pala ako. Malusog pa rin.
Pero bakit nga kami? Kung mali lahat ng naisip ko, anong kailangan nya? Anong balak nya? At bakit palagi syang nagtatago? Iyon ang mas nakakatakot, eh. Tsk. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag isip ng maayos. Sobrang natataranta at natatakot ako. Hindi ko kasama sina Mama at Amara kaya mas lalong nadadagdagan ang kaba ko.
Kaya naman sa gabi ring iyon ay tinawagan ko sila. Kinamusta ko at nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin nilang ayos lang sila. Ganon na rin si Thea na syang tinawagan ko dahil wala pa ring cellphone sa bahay. Napabuntong hininga nalang ako nang matapos at naihilamos ang kamay sa mukha.
Sumasakit ang ulo ko. Mukhang hindi ako makakapag focus nito bukas sa pag aaral. Masyado akong nato-trauma sa mga nangyayari. Natatakot na rin akong lumabas mag isa. Hindi naman mababawasan ang kaba ko kung kasama ko si Klara, mahinhin iyon at kung kukuhanin ako ng lalaking yon, paniguradong makukuha rin sya.
Tsk. Sana isabay kami ni Sir Joshua bukas.
Oo nga pala, yung lalaking yon. Gabi na sya umuwi. Pagkadating na pagkadating nya ay nagpadala agad sya ng makakain sa kanyang kwarto. Nagdala na lamang ako roon habang nag iisip pa rin ng mga posibleng pakay ng lalaking yon. Mukhang napansin iyon ni Sir dahil hindi nya ako magawang kausapin ng maayos.
"Bakit parang ang laki ng pinoproblema mo?" Nagtaas sya ng kilay.
Napakurap kurap naman ako at nagising sa pag iisip. Napatingin ako sa kanya at agad ring nag iwas ng tingin. Yumuko ako.
"Sorry po, Sir..." kinagat ko ang aking labi.
Nandoon pa rin ang pag aalala at takot sa puso ko. Naiisip ko palang ang bukas ay natatakot na ako. Naiisip ko palang na maglalakad kaming dalawa ni Klara pauwi nang walang kasama ay natatakot na ako. Sobrang laking trauma ng lalaking yon sa akin.
Hindi nagsalita si Sir. Tinitigan nya ako ng mabuti. Nawala na ang pagsusuplado sa kanyang mukha at tinitimbang na lamang ang ekspresyon ko. Lumunok naman ako at muling nagbaba ng tingin.
"You look bothered. Did something happened?" Tanong nya.
Nag angat ako ng tingin sa kanya, naghihintay sya sa isasagot ko. Hindi ako makapagsalita. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko malaking abala kung sasabihin ko pa sa kanya. Sa nakikita ko naman kasi, mabait naman si Sir Joshua. At paniguradong isasabay nya ulit kami ni Klara sa kanyang kotse pag nalaman nya. Gusto ko yon. Pero malaking abala talaga yon sa kanya kaya hindi nalang siguro.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
