Kabanata 24
Cry
--
Nakauwi kami sa bahay nang nandoon pa rin ang kaba ko. Hindi maalis sa sistema ko iyon pero pinilit ko na lamang kalimutan. Wala lang naman siguro yon. Baka nagagandahan lang sa akin ang lalaking yon at nahihiya lang lumapit. Oo. Baka ganon nga.
Agad naming kinabit sa iba't ibang bahagi ng maliit naming bahay ang mga pang dekorasyon na binili namin ni Amara. Habang si Mama naman ay lumabas para bilhin na ang maliit na ref na binebenta ng kapitbahay namin.
"Hindi pantay," kanina pa hindi makuntento si Amara.
Kanina ko pa pinapantay ng mabuti ang santa claus na binili namin dito sa pinto sa labas ng aming bahay. Nakasampa ako sa bangko at si Amara naman ay nasa baba, tinignan kung pantay ba ang pagkakakabit ko. Pero kalahating oras na ang nagdaan ay hindi pa rin talaga sya kuntento. Palagi nyang sinasabi na hindi pantay.
Inis ko syang tinignan. "Pinagtitripan mo ba ako?"
Kumunot ang noo nya. Ang inosente ngunit walang emosyon nyang mukha ay pinantayan ang pagtataray ko.
"Hindi. Hindi lang talaga pantay. Hindi ka kasi marunong," anya.
"Psh. Dali na. Pantay ba?" Muli akong bumalik sa santa claus.
"Hindi. Pihit mo pa pakaliwa,"
Pinihit ko iyon pakaliwa pero iyon na naman sya at hindi makuntento. Pinapihit nya ulit pakanan at kapag pinihit ko naman pakanan ay ipapapihit nya ng pakaliwa. Pawis na pawis na ako dito, sobrang init. Naiinis na ako, ah?
"Ano bang ginagawa mo?" Pumameywang ako at humarap kay Amara na nakataas ang kilay.
"Ano?"
"Gusto mo ba pantay na pantay ang pagkaka kabit ng santa claus? Ayos na yung medyo hindi! Pawis na pawis na ako rito, oh!" Reklamo ko.
Umirap sya at humalukipkip. "Hindi ka lang talaga marunong. Ako nalang kaya dyan?"
"Psh," inirapan ko rin sya at humarap muli sa paglalagyan ko. "Ako nalang. Baka kung mapano ka pa, shunga shunga ka pa naman,"
"Anong sinabi mo?"
"Wala. Tsk. Dali na. Ang bagal naman nito,"
"Tsh..."
Natapos kami pagkatapos pa ng ilang minuto. Sakto namang pagtapos namin ay dumating na rin si Mama. May kasama syang isang lalaki na may dala nung binili nyang maliit na ref.
"Pasensya na kung natagalan. Nakipag usap pa ako sa kapitbahay natin, eh," si Mama.
"Psh. Ano na namang chismis ang sinabi nila sayo?" Pumasok kami sa loob ng bahay.
"Shh!" Agad akong pinatahimik ni Mama. "Ano ka ba naman, anak. Nangamusta lang," tumingin sya sa lalaking may dala ng ref. "Doon mo nalang ilagay sa may lamesa,"
"Sus," umupo ako sa lapag at kinuha ang iba pang palamuti, ganon rin si Amara. "Nakikichismis lang ang mga yon,"
Kumunot ang noo sa akin ni Mama. "Nangamusta nga lang, anak. Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang ang init na naman ng ulo mo?"
Ngumisi si Amara. "Naiinis sya dahil isang oras syang nagkakabit ng santa claus sa may pinto,"
Inirapan ko sya. "Eh, kasi naman ikaw, gusto mo pa yung paka pantay, paka perfect kaya natagalan tayo. Tsh. Perfectionist ka?"
Mas lalo syang ngumisi tsaka tumingin kay Mama. "Kita mo na, Ma?"
Nagpasalamat si Mama sa lalaking nagdala ng ref. Nakita ko pa kung paanong tumitig ang lalaki kay Mama, para bang nagagayuma at manghang mangha nang kausapin sya ni Mama. Matalim ko syang tinignan. At nang mapunta sa akin ang tingin nya ay parang agad syang bumalik sa ulirat at agad agad nang umalis. Umirap ako.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Ficção Adolescente[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...