Kabanata 38
Meet
--
Kinabukasan, linggo, maaga ulit akong nagising. Ganon rin si Joshua na pagkarating ko palang sa kusina, nandoon na. Nagluluto sya at hindi ako makapaniwalang kaya nyang magluto. Namangha ako dahil ngayon ko lang talaga nalaman na marunong pala syang magluto! Akala ko wala syang alam sa mga gawaing bahay.
"Bakit hindi mo sinabi na marunong ka palang magluto?" Sabi ko habang kumakain.
Napaka sarap ng luto nya. Pati ang sinangag ay masarap rin! Saktong sakto lang ang lasa, hindi maalat at hindi matabang. May pancake rin syang niluto at masarap rin ang isang yon. Hindi ko mapigilan ang mamangha at kumain. Napadami tuloy ako habang sya ay tuwang tuwa lang habang pinapanood ako. Halos hindi sya makakain dahil sa panonood sakin pero hindi ko naman sya magawang pansinin.
"Masarap?" Nakangiti nyang tanong.
Tumango ako. "Mmm! Dapat sinabi mo agad na marunong ka! Para ikaw na palagi ang pinagluluto ko!"
Natawa sya. "Mmm. Okay. Ako na ang magluluto araw araw ng pagkain mo,"
Kaya naman busog na busog ako pagkatapos noon. Tinimpla nya rin ako ng gatas dahil akala nya kulang ako palagi sa tulog. Palagi daw kasi akong maagang nagigising. Eh, para sakin naman saktong sakto lang ang tulog ko. Sakto lang ang tulog ko sa gabi kaya maaga akong nagigising.
Pagkatapos rin noon ay nagpaalam sya sa aking pupunta lang sa gym sa itaas ng mansyon. Sabi ko na nga ba nag gi-gym sya, eh. Napapansin ko na talaga ang paglaki ng katawan nya. Hinayaan ko naman sya at nagtungo na lamang ako sa likod ng mansyon at nagwalis roon.
Ang sigla sigla ko tuloy dahil ang dami kong nakain. Halos kausapin ko lahat ng puno at halamang nandoon dahil sa sobrang saya ko. First time nya akong pinagluto!
"Ayon! Naa-ampalaya na naman ako dahil may masayang tao na naman!" Narinig ko ang boses ni Jana sa kung saan.
Napalingon ako sa kinaroroonan nya at nakitang may mga hawak silang timba na may lamang damit ni Klara. May mga hanger rin roon at mukhang magsasampay sila.
Humalakhak si Klara at binaba na ang mga timba sa lapag.
Ngumiti ako. "Magandang umaga!"
"Kita mo na?" Tumingin si Jana kay Klara. "Nakaka ampalaya, diba?"
Humalakhak ako. "May lablyp rin yan, Jana. Wala kang kakampi rito,"
Namula ang pisngi ni Klara.
"Ano? Bakit? Sila na ba nung Zil?" Bumaling sya kay Klara. "Kayo na?"
"H-Hindi!" Si Klara.
"Hayy nako! Kahit naman hindi pa kayo, para ka na ring may love life kaya tama ka, Amora. Tsk. Nakaka ampalaya kayong dalawa," nagsimula na silang magsampay.
Humalakhak ako at nagpatuloy sa pagwawalis.
"Eh, kamusta naman kayo ni Sir Joshua, Amora? Ano nang ganap? Magkwento ka naman!" Si Jana.
"Wala naman. Ganon pa rin," sagot ko.
"Anong ganon pa rin? Magkwento ka! Hindi sapat ang mga ganyan!"
"Napaka chismosa mo talaga!" Humalakhak ako.
"Magkwento ka na kasi! Gosh! Alam mo bang hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sainyong dalawa? Ano na kasing ganap!"
Humalakhak ako at nagkwento nalang. Yung mga ginagawa lang namin ni Joshua ang kinwento ko. At syempre, hindi ko sinama yung may mga kiss. Ayoko dahil baka tumili nang pagka lakas lakas si Jana. Tsaka paniguradong hindi na naman nya ako titigilan. Sinasabi ko lang na lumalabas kami paminsan minsan at sabay kumain palagi sa school.
![](https://img.wattpad.com/cover/234413688-288-k283596.jpg)
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Ficção Adolescente[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...