Kabanata 11
Bad Dream
--
Nagdaan ang isang araw na hindi na ako masyadong inuutusan ni Sir Joshua. Hindi ko alam kung pangmatagalan na ba yon o ngayon lang dahil alam nyang galit pa rin ako sa kanya. Pero ano bang pakialam nya kung galit ako? Sa pagkaka alam ko, wala naman syang pakialam sa akin. Tsh. Baka guilty lang yon sa ginawa nya sa akin.
Medyo matamlay pa rin ako sa nagdaang isang araw. Pero unti unti na rin naman akong nakabawi. Nakakatakot ang nangyari sa akin, nakaka trauma. Pero wala namang mangyayari kung magmamaktol at iiyak lang ako sa kwarto. Mas mabuti nang kalimutan ko na lamang iyon kahit pa hindi talaga maganda ang nangyari. Ganon lang palagi ang ginagawa ko sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa akin, kinakalimutan ko at pinipilit ibalik ang sarili sa normal. Ganon para sa akin ang buhay, kung madapa ka man, tumayo ka lang at tumawa sa sarili mo. Sabihin mo sa sarili mo, ang shunga shunga mo.
Nasapo ko ang gitara na bigla nalang binigay sa akin ni Sir Joshua. Lunes ngayon, nandito na naman sya at naka abang sa amin para lang pagbuhatin ako ng kanyang gitara. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginawa nyo?" Pagod kong tanong sa kanya.
Tinignan nya ako tsaka nagkibit balikat. "Nagsorry na ako. Hindi ko na problema kung hindi mo yun tatanggapin," yun lang ang sinabi nya tsaka tumalikod sa amin at pumasok sa kanyang kotse.
Inis naman akong napapikit tsaka umamba ng suntok sa kanyang likuran. Psh! Talagang wala syang puso. Napaka sama nya. Hinding hindi ko talaga sya mapapatawad!
"Alam mo? Palagi nalang akong nagugulat sayo," halakhak ni Klara.
Nandito na kami ngayon sa school. Maaga pa kaya tumambay muna kami rito sa napaka laking field ng school. Makulimlim ang langit at napaka lamig ng hangin. Magpapasko na kaya ganito ang klima ngayon. Wala rin masyadong tao rito. Mga kaunting students na nakaupo rin rito kagaya namin sa bleachers habang nagbabasa ng kung ano anong libro.
Tumingin ako kay Klara. "Bakit naman?"
"Mabilis kasi laging nagbabago ang mood mo. Takot na takot ka nung nahulog ka sa swimming pool pero kinabukasan maayos ka na. Hindi ko alam kung ganon ka lang ba talaga o talagang ayaw mo lang ipakita ang totoo mong nararamdaman,"
Ngumiti ako at tumingala sa makulimlim na langit. "Ayoko lang na nalulungkot at umiiyak ako palagi. Para kasing napaka drama. Hindi maganda ang ginawa ni Sir Joshua dahil muntik na talaga akong mamatay roon. Pero wala, eh. Gusto ko nalang palaging tawanan ang mga problema ko. Ayokong umiiyak..."
Ngumiti sya habang nakatingin sa akin. "Ang tapang mo..."
Tumingin ako sa kanya tsaka natawa. "Wag na nga nating pag usapan yan. Nandito ako para magrelax, okay?"
Humalakhak sya tsaka tumango na lamang. Pareho kaming tumahimik na pagkatapos noon. Bahagya lamang akong nakangiti habang nakatingin sa langit.
Ayokong maging negative. Kasi kung mag iisip ako ng ganon, maaaring maapektuhan noon ang pagtakbo ng buhay ko. Maaaring mas lalong dumami ang problema ko. At maaaring maging dahilan pa iyon para mawala ako sa mundo.
Marami na kasi ngayong kabataan ang nagpapakamatay dahil sa mga problemang kaya namang solusyunan. At ayokong magaya sa kanila. Lahat ng nararanasan natin ay pagsubok lamang. At lahat ng pagsubok na binibigay ng Diyos ay sinisiguro nyang makakaya natin. Kaya dapat palagi lang positive ang ating iniisip. Ayokong magaya sa iba na down na nga, mas lalo pang ida-down ang sarili. Hindi dapat ganon. Kailangan lumaban ka, kailangan magpakatatag ka. Dahil walang enjoy ang buhay kung hindi ka madadapa at masasaktan. At kung susuko ka agad, ikaw lang ang matatalo sa huli. Baka pagsisihan mo pa yon.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Jugendliteratur[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
