Kabanata 25
Hindi Gusto
--
Sabado ngayon at ngayong araw na rin ang alis ko para bumalik sa Laguna. Sila Mama at Amara ulit ang nag iimpake ng mga damit ko at hindi katulad noong una, mga nakangiti na sila ngayon kahit pa halata ang kalungkutan sa kanilang mga mata.
"Mag iingat ka roon, ha? Kumain ka sa tamang oras. Maligo ka araw araw. Uminom ka rin ng gatas gabi gabi. Wag ka masyadong magtrabaho..." iyon na namang ang mga paalala ni Mama.
Ngumiti ako at niyakap sila ni Amara. "Opo, Ma. Ma-mimiss ko po kayo..."
"Tsk," kinalas ni Amara ang yakap ko. "Ayan na naman kayo sa drama nyo," umiling sya at nagpatuloy sa pagtutupi ng damit ko.
Binatukan ko sya.
"Aray!" Napatingin sya sa akin.
"Kunyari ka pa dyan! Alam kong malungkot ka rin!"
"Tsh," bumalik sya sa pagtutupi.
Tumawa sa amin si Mama at niyakap ulit ako. "Wag mong kakalimutan ang mga bilin ko, ah? Palagi ka ring tumawag,"
Tumango ako at niyakap sya ng mahigpit. "Opo, Ma..."
Hindi pa nakakauwi ang mga kaibigan ko galing France kaya si Thea lang ang naka abot sa akin. Nag video call naman sila sa amin kaya nakapag paalam ako ng maayos sa kanila. Uuwi na rin naman daw sila bukas kaso nga lang, wala na ako. Pero ayos lang. Masaya naman akong tumawag sila ngayon sa akin para lang makita akong umalis.
Sinundo muli ako ng van ng mga Salvador. Talagang napaka bait nila para ipasundo pa kami ni Jana. Nakakatuwa.
"Bye!" Muli kong niyakap sina Mama, Amara at Thea.
"Bye! Mag iingat ka!" Si Thea.
Tumango si Amara sa akin at si Mama naman ay kumaway. Kumaway ako at ginantihan ang kanilang mga ngiti.
Hayy.. aalis na naman ako.
Kumaway ako muli sa kanila nang makapasok na sa loob ng van. Tinignan ko sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Unti unti nang sumarado ang bintana ng van kaya napabuntong hininga na lamang ako habang naghihintay na makarating sa bahay nina Jana.
Sa Malabon pa sya nakatira. Medyo malapit lang naman yon kaya kaunting oras lang naman siguro ang byahe.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa hindi na maging panilyar pa sa akin ang lugar. Naghikab na lamang ako at sa puyat ay nakatulog na lamang ako.
Hindi kasi ako pinatulog ng mga kaibigan ko kagabi. Tumawag sila sa akin at maraming kinwento, hindi makapag hintay na magkita kami ulit, talagang kinwento na nila sa akin ang lahat. Nagalit nga sila sa akin dahil tinulugan ko sila habang magkatawagan kami. Antok na antok na kasi ako lalo na at aalis ako ngayong araw.
Nagising nalang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako sa labas at nakitang niyayakap na ni Jana ang sa tingin ko ay ang kanyang nanay. Napangiti ako at agad agad na bumaba.
"Hi!" Bati ko nang matapos silang magyakapan.
Napalingon sila sa akin. Agad napangiti si Jana nang makita ako.
"Amora!" Bumaling sya sa kanyang nanay. "Nay, si Amora, sya yung kinukwento ko sayong bagong maid sa mansyon ng mga Salvador. At Amora, nanay ko," pakilala nya.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...