Kabanata 3
Patid
--
Napadilat ako nang maramdaman ko ang unti unting paghinto ng sasakyan. Nakita kong binuksan ni Klara ang gate para makapasok ang sasakyan ni Sir Joshua kung saan kami naroon.
Kinusot ko ang mga mata ko tsaka naghikab. Hindi na gaanong sumasakit ang braso at mga kamay ko. Medyo pagod na lang ako.
Bumaba ako ng kotse nang huminto na ang sasakyan. Ganon rin ang ginawa ni Sir Joshua na hindi manlang ako binalingan at nagdere deretso lamang papasok sa mansyon.
Ngumuwi ako at kinuha na lamang ang mga paper bags sa likod ng kanyang kotse. Pumunta sa akin si Klara pagkatapos nyang isarado ang gate at tinulungan ako sa mga paper bags. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Pinahirapan ka ba ni Sir masyado? Ang dami nito..." ani Klara.
"Nahirapan ako pero trabaho ko naman to..." sagot ko.
Bumuntong hininga sya. "Alam ko nang mangyayari ito..."
Bumaling ako sa kanya nang nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"
Umiling sya. "Mamaya nalang natin pag usapan..."
Tumango na lamang ako at dinala na lahat ng paper bags sa kwarto ni Sir Joshua. Kumatok kaming dalawa sa kwarto nya. Hindi naman nagtagal at binuksan nya agad yon. Pinapasok nya kaming dalawa. Sinabi nyang ilagay iyon sa kanyang walk in closet kaya naman iyon ang ginawa namin. Nilagay namin yun lahat sa napaka laki nyang walk in closet. Namangha pa ako sa ganda noon. Lumabas rin naman kami agad.
"Bring me snacks here. Snacks and drinks," utos ni Sir Joshua.
"Opo, Sir..." sabi ko na lamang at lumabas na kaming dalawa ni Klara.
Hinawakan ko ang aking balikat at inikot ikot yon dahil ramdam ko pa rin ang pagsakit noon.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Klara.
Tumango ako. "Medyo nangawit lang ang mga braso at balikat ko..."
"Magpahinga ka na pagkatapos mong sundin si Sir Joshua. Mukhang nahirapan ka nga..."
Tumango ako at dumeretso na sa kusina. Dumeretso naman sya sa aming kwarto para makapag pahinga na.
Sumilip ako sa ref kung nay snacks ba sila. Nakita ko naman ang napaka raming snacks kaya kumuha ako nang kumuha roon. Kumuha na rin ako ng tubig gaya ng gusto ni Sir Joshua. Nilagay ko lahat ang mga pinagkukuha ko sa tray at pagkatapos noon ay pumanik na muli ako sa itaas sa kwarto ni Sir.
Kumatok ako sa kanyang pintuan at tulad kanina ay mabilis nya lang rin iyong binuksan. Pumasok ako at nilibot ang paningin kung saan pwedeng ilagay ang pagkain.
"Uh... saan ko po ito ilalagay?" Tanong ko nang hindi ko malaman kung saan ilalagay.
Nakaupo sya sa kama at ganon pa rin ang suot. Nandoon na naman yung seryoso nyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Sa study table," anya.
Tumango ako at naglakad na papunta sa kanyang study table para mailagay na ang mga pagkain roon. Napasilip pa ako sandali sa bintanang nasa harapan noon at namangha dahil kahit madilim ay kitang kita ang mga punong nandoon.
Ang ganda pala ng tanawin nya rito.
"What's that?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sir Joshua sa aking likuran. Agad akong napaharap sa kanya na may nanlalaking mga mata. Agad rin naman akong napatabi nang makitang sobrang lapit nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Novela Juvenil[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...