Kabanata 36
In Love
--
Nagdaan muli ang mga araw na ganon palagi ang nangyayari sa amin. Palagi pa rin akong sinasabay at hinahatid ni Joshua papunta at pabalik ng school. Nagpatuloy rin ang pagpapractice namin sa sayaw at ganon rin sila sa pagkanta. Kapag wala naman masyadong gagawin, lumalabas kami. Kumakain at pumupunta kami sa kahit saang gusto ko at palagi naman nya akong pinagbibigyan roon. Sinusunod nya palagi ang mga gusto ko at palagi rin nyang binibigay sa akin ang mga gusto kong bagay. Minsan nahihiya ako dahil palagi nalang ako nang ako ang inaalala nya. Pero ayos lang naman daw sa kanya basta masaya ako. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.
Kina Klara at Zil naman, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa kanila. Kapag tinatanong ko si Klara tungkol roon, naiilang sya at namumula pa ang pisngi. Sobra syang nahihiya at mukhang hindi pa sya handang magkwento kaya hindi ko na muna pinilit. Basta ang alam ko lang, may namamagitan na sa kanila.
Masaya ang araw ko sa araw araw. Kung noon, mababait na sa akin sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas, lalo pa ngayon. Sobrang bait nila sa akin. Palagi na rin nila kaming pinapasabay kumain sa kanila kaya mas lalo akong natutuwa. Kinakausap nya rin ako tungkol sa kung saan saan. Para nya akong tinuturing na kaibigan kaya medyo naging komportable na rin ako sa kanya. Hindi ko akalaing ganon ang mangyayari sa aming lahat. Napaka bait talaga nila.
Kaya lang, palagi ko ring naiisip si Mama. Kapag tumatawag ako sa kanya gabi gabi, nag aalinlangan na ako. Palagi akong nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba yung tungkol sa amin ni Joshua o hindi na muna. Pero kalaunan, nagpapa alam nalang kami sa isa't isa na hindi ko nasasabi iyon. Nag aalala na ako dahil baka talagang magalit sya.
Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko nalang siguro pagka uwi ko. Kahit napaka tagal pa noon, hihintayin ko nalang. Ayokong basta basta nalang sabihin ang ganitong bagay sa kanya sa telepono lang. Tsaka gusto ko ring pormal na ipakilala sa kanya si Joshua. Iyon ang gusto kong mangyari.
At ngayon, dumating na ang araw na matagal ko nang hinihintay. Ngayon na ang Valentines Party ng school! Whaa! Excited na ako lalo na at marami na naman kaming hinandang sayaw. Makakasayaw na naman ako sa napaka raming estudyanteng nagsisimula na akong magustuhan. Tsaka maririnig ko na ulit kumanta sina Klara at Zil. Lalo na si Joshua, humiling pa naman ako sa kanya ng kanta.
From: Joshua
Good morning! Come out. Nasa labas ako.
Nag inat inat ako at binaba ang cellphone sa side table ng kama. Kinuha ko ang maliit at pabilog na salamin roon at pagkatapos ay tinignan ang itsura. Gosh! Bagong gising ako. Napaka pangit ko pa! Paano ako magpapakita sa kanya? Tsk. Bakit naman kasi ang aga aga nyang nasa labas ng kwarto? Tsaka bakit sya nandyan?
Inayos ko na lamang ang buhok ko, mukha at damit. Sinigurado kong maayos na talaga ako bago lumabas.
Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad si Joshua habang ang palumpon ng mga bulaklak ay nasa tapat ng kanyang mukha. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata.
Tinagilid nya ang kanyang ulo dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Ngumiti sya nang makita ang reaksyon ko at nilahad sa akin ang hawak na bulaklak.
"For you," anya.
"Whoa..." kinuha ko yon at pinagmasdan.
Kulay dilaw at puti ang kulay ng mga bulaklak habang ang balot nito ay kulay puti rin. Namamangha ko iyong tinignan at unti unti ay napangiti ako. Tinignan ko si Joshua na nakangiti habang pinagmamasdan ako.
"Salamat! Ang ganda nito! Gustong gusto ko!" Sambit ko.
"Mmm? Thank you lang?" Bumusangot sya bigla.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Novela Juvenil[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
