KABANATA 19

202 10 0
                                        

Kabanata 19

Comfort

--

Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Sobra akong nagulat sa nangyari. Hindi na rin ako makapag isip pa ng maayos at para na akong mababaliw.

Dahan dahang bumangon si Sir Joshua sa pagkakahiga nya. Natitigilan pa rin sya at halata rin ang gulat sa kanya. Hindi namin inaasahang pareho ang nangyari. Gosh! Huhu.

"S-Sorry po, S-Sir. H-Hindi ko po s-sinasadya. Y-Yung gitara po k-kasi.. n-natalisod po ako r-roon. H-Hindi ko po talaga s-sinasadya. P-Pasensya na po t-talaga..." nagkanda utal utal ako sa sobrang kaba.

Huminga sya ng malalim. Nasa ibaba pa rin ang tingin nya at hindi ako tinitignan. Hindi ko rin sya magawang tignan.

"It's okay. You may leave now..." anya.

"O-Opo," sabi ko at agad agad nang tumakbo palabas ng kanyang kwarto.

Literal akong tumakbo pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa aming kwarto. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Naghabol ako ng hininga at napapikit nang muling pumasok sa aking isipan ang nangyari. Kung paano ako napatong sa kanya dahil sa ka-shungahan ko.

Gosh! Nagpapadyak ako. Hindi ako nag iingat! Napaka shunga ko! Ang shunga shunga ko!

"Anong ginagawa mo?" Si Jana na pinapanood pala ako kanina pa sa kanyang kama.

Nakaupo sya at nakahalukipkip. Nakatingin sya sa akin na para bang isa akong baliw na tao. Nakataas pa ang isang kilay nya na parang nawiwirduhan sa akin.

Muli akong pumikit at kinalatukan nang kinalatukan ang aking sarili. Ang shunga ko talaga!

"Amora--"

"Whaaa!!" Nagtatakbo ako sa aking kama at sumubsob roon.

"Ano bang nangyayari sayo?" Si Jana pa rin.

Hindi ko sya sinagot. Nagpapadyak lang ako roon habang halos maiyak sa kahihiyang nagawa kanina. Huhu. Paano na to? Paano ko sya haharapin bukas nyan? Ang shunga ko.

Nakakahiya!

Kinabukasan, sabado, umaga palang ay kinuha ko na ang mga uniform ni Sir Joshua sa likod ng mansyon dahil tuyo na iyon panigurado.

Habang kinukuha ang mga sinampay ay bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Agad akong napapikit at iniling iling ang ulo para hindi na yon maisip pa. Gosh! Paano ako magpapakita sa kanya ngayon nyan? Huhu.

Pagkatapos kuhanin lahat ng mga uniform nya ay plinantsa ko iyon sa utility room. Habang ginagawa iyon ay iniisip ko na kung paano ako magpapakita sa kanya at kung ano ano ang mga sasabihin ko. Dapat relax lang ako na para bang wala lang yung nangyaring yun. Kasi kung magpapahalata ako na naiilang ako ay baka kung ano pa ang isipin nya.

Eh, ano ba kasing iisipin nya, Amora? Gosh.

Tumindi ang kaba ko nang isang uniform nalang ang kailangan kong plantsahin. Huminga ako ng malalim at pinakalma nang pinakalma ang sarili. Baka mamaya masunog ko pa ang uniform ni Sir sa sobrang kaba ko. Gosh.

Relax ka lang, Amora. Walang nangyari kagabi. Wala lang yon. Pupunta ka lang sa kwarto nya para ilagay yang mga uniform tapos aalis ka na. Tapos.

Huminga ako ng malalim tsaka tinupi ang huling damit na plinantsa ko. Gosh. Eto na.

Binuhat ko ang maliit na batsa tsaka lumabas ng utility room. Huminga muli ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Umakyat ako ng hagdan at nang makarating sa tapat ng kwarto ni Sir Joshua ay huminga ulit ako ng malalim. Paulit ulit ko iyong ginawa. Pero hindi na yata talaga mababawasan ang kaba ko. Mas lalo pa ngang nadadagdagan.

Choosing my Dreams (Book One)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon