KABANATA 34

147 10 0
                                    

Kabanata 34

Thank You

--

Nagpatuloy ang hapunan nila at wala nang nagsalita pa pagkatapos ng sinabing iyon ni Mr. Antonio Salvador. Halatang hindi naging komportable si Ma'am Juliette sa sinabi ng matanda lalo na at gumuhit ang galit at pagtitimping sumagot si Sir Joshua kaya naman iniba na lamang nya agad ang usapan. Sumabay naman roon si Sir Nicolas na nakaramdam rin ng tensyon habang ang matanda ay nakangiti pa rin, mukhang walang pakialam kung magalit roon ang kanyang apo.

Pagkatapos rin noon ay hindi na natigil pa ang pagsulyap sa akin nina Jana at Klara. Alam ko ang iniisip nila ngunit pinipilit ko na lamang na ngumiti para hindi na sila mag alala. Ngunit kapag si Sir Joshua na ang sumusulyap sa akin ay napapayuko na lamang ako, ayaw ipakita sa kanya ang nararamdaman ko.

Aaminin ko, pait ang naramdaman ko roon sa sinabi ni Mr. Antonio Salvador. Hindi na muli naging maganda pa ang mood ko. Ang malamang gusto ng kanyang lolo ang mayaman na kapareha para sa kanya ay nagpapalungkot sa akin. Higit pa nga yata sa lungkot ang aking nararamdaman, hindi ko lang magawang aminin.

Ang seryoso at nag aalalang paningin sa akin ni Sir Joshua ang palagi kong nakikita kapag napapatingin ako sa kanya. Ngunit tulad nga ng sinabi ko, agad akong nagbababa ng tingin lalo na at alam kong nakaguhit na sa aking mukha ang pait. Ayokong makita nya yon.

Nagpanggap akong tulog nang makarating sa kwarto. Sina Jana at Klara ay nag ayos pa sa dining area. Sinadya kong hindi tumulong dahil paniguradong tatanungin nila ako sa mga sinabi ni Mr. Antonio Salvador, at ayoko munang pag usapan yon. Pakiramdam ko may gumuhong kung ano sa puso ko.

Kaya naman nang marinig ko na ang pagbukas ng pintuan ay mas lalo ko pang pinikit ng mariin ang mga mata ko. Narinig ko ang mga buntong hininga nila.

"Pano yan? Tulog na sya?" Narinig kong sinabi ni Klara.

"Hayaan mo na. Wag na natin syang gisingin. Maiintindihan naman siguro ni Sir Joshua," si Jana.

"Sige. Sasabihin ko nalang kay Sir..."

Narinig ko na ang pagsara ng pinto pagkatapos noon. Si Jana ay paniguradong nandito na sa loob habang si Klara ay lumabas.

Bakit kaya? Pinapatawag ako ni Sir Joshua? Mabuti nalang pala at naisipan kong magtulog tulugan. Ayoko muna kasi talaga syang makaharap ngayon dahil paniguradong magtatanong rin sya sa akin tungkol sa napag usapan nila kanina. At ayoko rin muna nya akong makita, hindi pa ganong kaganda ang nararamdaman ko. Ayoko syang mag alala.

Kinabukasan ay nagulat nalang kami ni Klara nang hindi lang si Sir Joshua ang naabutan namin pagkalabas ng mansyon. Naroon rin si Zil na nasa labas ng gate. Kahit hindi namin kita masyado, alam naming sa kanya kotse yon at sya rin panigurado ang nakasandal roon.

Napatingin agad ako kay Klara na nakatingin na rin sa labas kung nasaan si Zil. Nakita ko kung paano pumula ang kanyang pisngi bago nag iwas ng tingin roon.

Luh? May usapan ba sila ni Zil? Ganon na ba talaga sila ka-close?

Napatingin ako kay Sir Joshua nang bigla syang lumapit sa amin. Iyon na naman yung puso ko na hindi na naman mapakali. Pinilit kong pakalmahin ang sarili at tinignan sya pabalik.

"Zil is here. Sabi nya gusto ka raw nyang sunduin," bumaling sya kay Klara.

"U-Uh..." hindi nakapagsalita si Klara at mas lalo pang pumula ang pisngi. Halos buong mukha nya namumula na.

"He's waiting for you," dagdag ni Sir.

Nahihirapan syang lumunok tsaka tumango. "S-Sige, Sir," bumaling naman sya sa akin. "D-Doon na ako..."

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon