KABANATA 29

205 8 0
                                        

Kabanata 29

Worried

--

Mabilis bumaba sa sasakyan si Sir Joshua pagka park nya sa may garahe. Natataranta kong tinanggal ang seatblet ko at agad agad na ring bumaba. Tumakbo ako para maabutan sya.

Galit sya. Galit na galit at hindi ko alam kung bakit. Gusto ko syang kausapin para makapag pasalamat pero sobra kong nararamdaman ang galit nya. Badtrip na badtrip ang mukha nya habang nagmamaneho kanina kaya hindi ko magawang magsalita.

Sa bilis ng lakad nya ay hindi ko na sya naabutan. Hindi ko sya magawang tawagin dahil natatakot akong baka sigawan nya ako. Napahinto na lamang ako sa baba ng hagdanan at tiningala syang pumapanik gamit ang mabibigat na paa. Kinagat ko ang aking labi nang mawala na sya sa paningin ko at napatalon sa gulat nang padabog nyang isarado ang kanyang pintuan.

Bakit ba sya nagagalit? Ngumuso ako. Wala naman akong ginawa, ah? Muntik pa nga akong masagasaan. Psh. Naabala ko ba sya?

Napakamot ako sa ulo at nakabusangot na pumunta sa kwarto. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa mga nangyari, samahan mo pa nung takot ko kay Sir dahil sobra talagang badtrip ng mukha nya. Akala mo may susugurin.

Natutulog si Jana nang makarating ako sa kwarto, mukhang pagod na pagod sya sa kung ano man ang trinabaho nya kanina base sa itsura nya. Suot nya pa rin kasi yung pang maid na uniform at mukhang dumeretso agad sya sa pagtulog, hindi na nakaligo dahil sa sobrang pagod.

Bumuntong hininga ako at umupo sa aking kama. Nilagay ko sa aking hita ang bag ko at niyakap iyon ng mahigpit.

Takot na takot ako. Nung una, akala ko may gagawin na sa aking masama yung lalaki na yon. Akala ko maglalakad sya palapit sa akin at kukunin na ako. Akala ko sasaksakin nya ako o ano. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko nung mga oras na yon pero nagtaka ako kung bakit sya tumakbo. Kung may masama syang balak sa akin, bakit sya tumakbo?

Wala akong maisip na dahilan para tumakbo sya. Kung may balak talaga syang masama sa akin, dapat ginawa na nya kanina. Hindi ba sya natuloy dahil maraming tao? Pwede. Pero nagtataka pa rin talaga ako. Ang gulat sa kanyang mga mata nung nakitang huminto ako dahil nakita ko sya ay nagpapataka sa akin. Bakit sya nagulat? Bakit sya tumakbo? Paulit ulit ko iyong tinanong sa sarili ko.

Hindi naman sa ayaw kong tumakbo sya at lumayo sa akin, nakakapag taka lang masyado. Hindi ko maintindihan.

Pero bukod sa pagtatakang nararamdaman ko, natatakot pa rin ako. Nandoon pa rin ang panginginig ng katawan ko dahil sa muntikan nang pagbangga sa akin ng truck. Sobrang bilis ng pangyayari na yon pero sobrang nakakatakot. Hindi ko ma-imagine na muntik na nga akong mabangga.

Kinausap ni Sir Joshua ng maayos yung nagmamaneho ng truck. Hindi naman tumakas ang truck at ang dinig ko ay hindi nya daw ako nakita dahil bigla syang napatingin sa langit. Nataranta daw sya kaya imbes na preno ang matapakan nya, yung pampabilis pa habang natataranta na rin ang kanyang kamay sa pagbusina.

Humingi sya ng tawad, sa akin at kay Sir Joshua. Galit ang mukha ni Sir Joshua pero kinausap nya pa rin ng maayos ang matandang lalaki. Halata naman kasing nagsasabi ito ng totoo at sobra kung humingi ng tawad sa amin, bahagya pang yumuyuko ng paulit ulit kaya paanong hindi namin patatawarin? Tsaka isa pa, matanda na sya, kulubot na ang balat kaya mas lalong nakaka awa. Kaya naman kahit galit si Sir, hinayaan nya nalang. Humingi naman na kasi ng tawad.

At ngayon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Sir. Hindi ako mapakali. Gabi na ngayon at nandito na si Klara, kadarating lang, hindi pa rin ako mapakali.

Naiisip ko kasi si Sir. Hindi ako mapakali ngayong alam kong galit sya sa akin. Siguro naabala ko sya masyado kaya sya ganyan kagalit. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa akin kung bigla nalang akong huminto sa gitna ng kalsada? Hindi pa tumabi agad nung papalapit na yung truck. Tsk. Sinong hindi mabubwisit roon?

Choosing my Dreams (Book One)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon