Kabanata 27
Takot
--
Lunes, pasukan na naman. Maaga kaming pumasok ni Klara dahil sa excitement. Sabay pa kaming kumakanta habang naglalakad papunta sa aming classroom. Pero natitigil kami sa tuwing may bumabati sa amin.
"Hi, Amora! Klara!" Bati ng isa.
"Hi, Amora! Napanood kita nung christmas party! Ang galing mong sumayaw!"
"Ang ganda ng boses mo, Klara!"
"Para kang anghel, Klara!"
"Ang cool mong sumayaw, Amora! Ang galing galing!"
"Idol!"
Kung ano ano ang naririnig namin. At lahat ng iyon ay nagpapagulat sa amin. Hindi namin inaasahang may babati sa amin ng ganito pagkatapos ng christmas party. Hindi kami sanay. Dahil noon ay puro pang iinsulto ang naririnig namin sa kanila, ngayon puro puri na. Hindi ko maiwasan ang manibago.
Tipid akong ngumingiti sa mga bumabati sa akin, ganon rin ang ginagawa ni Klara. Minsan ay nagkakatinginan kami sa sobrang gulat dahil hindi talaga kami makapaniwala.
Gosh! Sikat na ba kami? Bakit ang daming bumabati?
Hanggang sa makarating sa claasroom ay ganon pa rin ang ganap. Kay dami pa ring bumabati. Yung dating kaklase namin na palaging umiirap sa amin ay kasama na rin ngayon sa mga bumabati. Hindi ko talaga maiwasan ang mamangha.
Si Ella ay ganon pa rin syempre. Umiirap pa rin sya kahit pa puro puri na ang natatanggap namin, hindi talaga sya papatalo. Paninindigan nya talaga ang pag hate sa amin. Ngumisi na lamang ako.
Nagbabasa kami ng libro ni Klara nang tahimik nang biglang magtilian ang mga kaklase namin. Nagulat kami at napatingin sa kanilang lahat. Tumitili sila habang nakatingin sa labas kaya napatingin rin kami roon ni Klara.
Nakita namin si Sir Joshua na nasa hamba ng pintuan. Nasa bulsa nya ang dalawang kamay at walang emosyon ang nga mata habang nakatingin sa gawi ni Ella.
"Babe!" Agad tumakbo si Ella payakap kay Sir.
Agad nagtilian ang mga kaklase namin. Ako naman ay nakaramdam na naman ng kung anong pait sa sistema. Nag iwas na lamang ako ng tingin at tumingin na lamang sa aking libro. Pinilit kong basahin ang binabasa ko kanina kahit pa bahagya na akong nakakaramdam ng kirot sa dibdib.
"We need to talk," malamig na sinabi ni Sir dahilan ng pagtingin ko sa gawi nila.
Sobrang lamig ng kanyang tingin sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang mapagtantong sa akin sya nakatingin ngunit nag iwas na lamang ako at muling tumingin sa librong binabasa.
"Come with me," dagdag nya at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay umalis na silang dalawa.
Ungulan at kiligan ang namutawi sa buong classroom. Mga kinikilig sila at suportadong suportado talaga ang dalawa. Mas lalo akong nakaramdam ng pait pero nag focus na lamang ako sa aking binabasa.
Oo na. Hindi ko na itatanggi. May nararamdaman na ako sa kanya. Hindi ko na napigilan. Hindi ko rin naman kasi alam kung kailan nagsimula. Nalaman ko nalang noong malalim na. Nakakairita pero masaya rin sa pakiramdam. Hindi ko maintindihan.
Pero ngayon, ang alam ko lang ay hindi maganda ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa tuwing kasama nya si Ella. Naiirita ako. Nagagalit ako. Mali man pero ayokong kasama nya si Ella o yung ibang mga babae. Ayoko.
Sumikip ang dibdib ko. Ang isipin ngayong may nararamdaman nga ako sa kanya ay nagpapakirot ng dibdib ko. Noon ko lang naramdaman ulit ang ganong kirot sa dibdib, at ang alam ko, ang huling nagpadama sa akin ng ganong kirot ay si Papa. Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Dla nastolatków[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...