Kabanata 37
It's You
--
Maaga akong nagising kinabukasan. Kahit na pagod ako dahil sa mga nangyari kagabi, pakiramdam ko ayos na ayos lang ako, magana pa nga ako ngayon. Napaka saya ko at hindi ko alam kung bakit ganon. Kinikilig pa rin ako sa tuwing naririnig sa aking tenga ang pag amin na yon ni Joshua.
"I'm in love with you..."
Pumikit ako at parang kiti kiting pinigilan ang kilig. Nasa kusina ako at baka may makarinig sa akin kaya pigil na pigil ko talaga. Kinikilig ako ng sobra!
Pero sa totoo lang, hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ko akalaing aamin sya ng ganon sakin. Kailan lang naging kami kaya hindi pa rin ako makapaniwala na ganon na agad ang nararamdaman nya. Gusto ko tuloy malaman kung kailan sya nagkagusto sa akin at bakit ganon na agad ang nararamdaman nya? Para akong nasa ulap at sa tuwing iisipin kong ganon na nga ang nararamdaman nya sakin ay kinikilig pa rin talaga ako! Gusto kong tumili hanggang sa mapaos ako pero baka may makarinig sa akin, mapag kamalan pa akong baliw.
Wala tuloy makapantay sa ngiti ko habang nagluluto. Sa tuwing titignan ko ang ulam, nginingitian ko iyon dahil pakiramdam ko tinutukso nya ako. Para akong baliw na nakangiti roon habang sinasabayan pa ng kaunting pagsasayaw. Ang saya saya ko talaga! Gosh!
Tumaas ang balikat ko nang may maramdamang kung ano sa baywang ko. Lilingon na sana ako ngunit bago ko pa magawa yon ay hinalikan na ako sa pisngi ni Joshua. Amoy nya palang ay alam kong sya na iyon. Napangiti ako.
"Good morning..." inaantok nya pang sinabi.
"Morning..." kinikilig na naman ako!
"Mmm? Did you sleep well?" Ngumisi sya, parang alam ang nararamdaman ko.
Namula tuloy ang pisngi ko at hinampas sya sa balikat dahil sa kahihiyan. Humalakhak sya.
"Kainis ka talaga,"
Tinulungan nya akong maglagay ng mga pagkain sa lamesa. Napaka aga pa kaya kami nalang muna ulit dalawa ang kumain, mga tulog pa ang iba. Magkaharap kami sa lamesa at iyon na naman sya at nakatitig sa akin.
"Hindi ka ba pagod? Bakit ang aga mong nagising?" Tanong nya at nagsimula nang kumain.
"Uh, hindi naman. Maaga talaga akong nagigising,"
"Yeah. Pero kailangan mo pa ng tulog. I know you're very tired last night,"
Natawa ako. "Ayos lang nga ako. Ganito talaga ako. Tsaka sanay na ako sa mga ganito. Wag ka nang mag alala,"
Bumuntong hininga sya at hindi na nagsalita. Ngumiti ako nang makita ang tingin nya na para bang sinasabing napaka tigas ng ulo ko.
"Kamusta na pala sina Klara at Zil?" Tanong ko maya maya. "May balita ka ba sa kanila? Sila na ba?"
Nagsalubong ang kilay nya at nahinto sa pagkain. Binigay nya ang buong atensyon sa akin at ako naman ay naghintay sa kanyang sasabihin.
"I thought you don't like Zil?"
Napaisip ako sandali. Huh? Ang layo ng sinagot nya sa tinanong ko. Tsaka tanong rin yon, ah? Sya lang ang sinasagot ng tanong ang isa pang tanong. Tsh.
"Oo nga. May sinabi ba akong gusto ko sya?" Taka kong sinabi.
"Why are you interested in them, then?"
Sandali ulit akong natigilan. Iniisip kung bakit ganito ang mga pinagsasasabi nya eh nagtatanong lang naman ako. At nang mapagtanto kung bakit ganito ang mga sinasabi nya ay natawa na lamang ako. Bumusangot sya at binalik ang tingin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
