KABANATA 15

216 11 0
                                        

Kabanata 15

Saved

--

Ngawit na ngawit ako nang makarating sa school. Martes ngayon at syempre, hindi na naman mawawala ang pagpapahirap ni Sir Joshua. Pinagbuhat nya ako ng dalawa nyang gitara at napaka raming libro. At dahil sobrang mangangawit ako at baka hindi ko na kayanin, nagpatulong na lamang ako kay Klara. Sya ang nagdala ng kalahati ng mga libro at ako naman sa dalawang gitara at yung natititang kaunting libro.

Jusmiyo marimar. Wala talaga syang awa sa kagandahan ko. Napaka sama nyang tao. Ang dapat sa kanya binibitay.

"Ayos ka lang? Gusto mo ako na magbuhat nyang isang gitara?" Ani Klara habang papasok kami sa school.

"Hindi na. Malapit naman na tayo. Kaya pa..." kapos sa hininga kong sabi.

"Sigurado ka? Malayo pa ang kwarto nina Sir Joshua..."

"Kaya ko..."

Bumuntong hininga sya at wala nang nagawa. Nasa magkabila kong balikat ang gitara ni Sir Joshua na nasa lalagyan at sobrang bigat non. Idagdag mo pa ang bag kong sobrang dami ring lamang libro.

Gosh. Feeling ko nabukot na ako.

Pagdating sa kwarto nina Sir Joshua ay nilagay na namin lahat ng iyon sa table at sofa nila. Hinihingal akong nagpameywang tsaka inunat ang aking likod. Tumunog iyon kaya nagulat pa ako. Napailing nalang ako huli.

Paalis na kami ni Klara nang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Ella. Agad syang napahinto nang makita kami at masama na naman ang naging tingin sa amin.

"What are you two doing here?" Mataray nyang tanong.

"U-Uh... pinalagay lang ni Sir Joshua yung gitara at mga libro nya..." sagot ni Klara.

Bumuntong hininga nalang ako dahil paniguradong gulo na naman ang gusto ng babaeng to. Nakakainis, ah. Araw araw nalang. Tsk.

"I told you to stay away from Joshua! Bakit ba hindi kayo marunong makinig?" Singhal nya tsaka lumapit sa amin.

Agad ko syang sinalubong ngunit humarang sa amin si Klara.

"E-Ella, u-utos kasi yon ni Sir Joshua. H-Hindi naman namin pwedeng suwayin yon..."

"Kahit na! Sana hindi nyo nalang sinunod nang matanggal na kayo!"

Mapakla akong natawa. "Sira na ba talaga ulo mo, ha? Porket kasi mayaman ka, hindi mo na alam kung gaano kami nagpapakahirap para lang makahawak ng pera. Napaka daling sabihin yan para sayo kasi mayaman ka!"

Ngumisi sya. "Yes! Tama ka. Mayaman ako at mahirap lang kayo. Bakit naman kasi sa lahat ng trabaho, dito pa kayo napunta?"

Muli akong natawa roon. Masyado na ba syang nabulag kay Sir Joshua? Baliw na yata tong babaeng to, eh. Siraulo. Hindi makaintindi. Nakakainis.

"Ano? Wala kang masabi?" Ani Ella.

"Ano ba talagang problema mo, Ella? Gusto mo kaming lumayo kay Sir Joshua? Bakit? Para saan? Natatakot ka ba, ha? Natatakot ka bang magkagusto sya sakin o kay Klara kaya mo kami pinapalayo sa kanya? Ha? Ganon ba?"

Natigilan sya at hindi nakapag salita. Nawala ang ngisi sa kanyang mukha at para syang natauhan sa kung ano.

Ngumisi ako. "Bakit, Ella? Pati ba ikaw nagandahan samin? Pati ba ikaw namangha sa uri ng ganda namin na natatakot ka nang pati ang boyfriend mo ay baka mamangha na rin?"

Matalim nya akong tinignan, bumilis na rin ang kanyang paghinga sa sobrang inis ngunit wala na syang nasabi pa. Nang dahil roon ay mas lalo akong natawa.

Choosing my Dreams (Book One)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon