Kabanata 30
Jealous
--
Pinaupo ako ni Sir Joshua sa sofa rito sa kwarto nila sa school. Seryosong seryoso sya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod at umupo roon. Pinanood ko lang syang kunin ang first aid kit sa banyo at nang makabalik sya ay hindi ko na matanggal pa sa kanya ang paningin ko. Tinignan ko lang ang bawat galaw nya, ang napaka seryoso nyang mukha at ang pag aalala sa kanyang mga mata.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa uri ng kilos at emosyong pinapakita nya. Hindi ko alam pero masaya ako na nag aalala sya. Pero natatakot rin ako. Natatakot akong ginagawa nya lang ito dahil mabait sya, na kapag kay Klara ito nangyari ay ganito rin ang gagawin nya. Ayokong umasa na ginagawa nya ito dahil may nararamdaman rin sya para sa akin. Natatakot akong umasa.
Tinignan ko kung paano nya gamutin ang kalmot sa aking braso. Tinitigan ko kung paano sya nag ingat, kung paano lumabas ang galit sa kanyang mga mata nang makita ang sugat ko at kung paano nya hawakan iyon ng marahan.
Malungkot akong ngumiti. Imposible. Napaka imposible. Kailanman ay hindi ko naisip na mararamdaman rin nya sa akin ang nararamdaman ko sa kanya. Sadyang mabait lang sya kaya sya ganito. Imposibleng magustuhan rin nya ako.
"A-Ako nalang po ang mag-gagamot--"
"Shut up and stay still," mariing putol nya at nagpatuloy.
Bumuntong hininga ako at hinayaan na lamang sya. Gusto ko sana syang patigilin kaso mukhang hindi sya papapigil. Sana lang sa susunod.. hindi na nya ito gawin. Dahil ang puso ko ay nagsisimula nang umasa sa imposible. Nagsisimula na itong umasa na baka pwede. At ayokong masaktan sa huli.
"Meron ka pa bang sugat na natamo?" Tanong nya nang malagyan na nya ng puting band aid ang aking sugat.
"W-Wala na po, Sir. Maraming salamat..." tumayo na ako.
"Amora..." agad syang tumayo.
"Hmm?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.
Bumuntong hininga sya. "I promise this will never happen again. Pagsasabihan ko sila Ella--"
"Hindi na kailangan, Sir..." bahagya akong ngumiti. "Kahit pagsabihan nyo sya magpapatuloy pa rin sya kaya wag na. Ayos na po ako, kami ni Klara..."
"No. Pagsasabihan ko sya. Don't worry, she will never hurt you again,"
Tinitigan ko sya. Pagsusumamo, galit at pag aalala ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Ngumisi ako.
"Kahit pagsabihan nyo sya, Sir, hindi pa rin sya titigil. Magsasayang lang kayo ng oras kaya wag na. Kaya ko naman syang labanan kaya ayos lang,"
"Kaya mong labanan pero ikaw itong palaging nasusugatan? Tsaka hindi mo kailangang lumaban sa kanya, Amora. Pagsasabihan ko sya. Hindi na kayo mga bata para mag away ng ganito,"
"Edi sya ang pagsabihan nyo," ngumuso ako at umirap. "Sya lang naman itong sugod nang sugod,"
Bumuntong hininga sya. "Yes. I will..."
Tinignan ko sya. Nakatingin lang rin sya sa akin. Nag init ang pisngi ko ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya.
Ano nga ba ang mangyayari? Kung magustuhan nya rin ako?
Pinilig ko ang aking ulo at pumikit. Gosh! Nababaliw na yata ako. Imposibleng magustuhan ka nya, Amora! Tumigil ka nga sa mga pinag iiisip mong ganyan! Nakakainis ka!
Kumunot ang noo nya. "What are you thinking?"
Agad akong natauhan roon. "A-Ah.. wala po, Sir! K-Kailangan ko na pong bumalik sa classroom. Baka nandoon na ang teacher," palusot ko.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Jugendliteratur[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
