KABANATA 2

237 16 1
                                    

Kabanata 2

Pahirap

--

Mga nakabusangot ang mukha nina Mama at Amara habang iniimpake ang mga gamit ko. Nakanguso pa si Mama kaya halos matawa ako. Pinigilan ko lang dahil baka magalit sya sa akin.

"Anong mga mukha yan?" Natatawa kong tanong. "May patay?"

Nag angat ng tingin sa akin si Amara at matalim akong tinignan. Humalakhak ako at umupo na rin sa sahig kung saan sila nag iimpake.

"Uuwi rin naman ako. Para namang mga ano to!"

"Alagaan mong mabuti ang sarili mo doon. Wag mong pagurin masyado ang sarili mo para makapag aral ka ng maayos. Kumain ka sa tamang oras at kumain ka rin ng madami para tumaba ka na. Maligo ka araw araw. Walong tubig rin sa isang araw ang dapat mong inumin. Wag kang makikipag away. Makipag kaibigan ka sa lahat ng magiging kaklase mo. Humanap ka ng mga kaibigan na katulad nina Thea. Magpaka bait ka..." sunod sunod na sabi ni Mama.

Ngumiti ako, halos matawa. "Gagawin ko lahat yan, Ma. Wag na kayong mag alala. Wag na kayong malungkot. Hindi ko papabayaan ang sarili ko, promise."

Nag angat sya ng tingin sa akin. Nangingilid na agad ang mga luha nya. Napaka iyakin nya talaga.

"Bumalik ka dito buwan buwan..." dagdag nya.

Ngumiti ako at niyakap sya, silang dalawa ni Amara.

"Mag iingat talaga ako..."

Dumating ang mga kaibigan ko noong paalis na ako. Natawa pa ako dahil mga mukha pa silang nagmadali. Hindi rin maayos ang mga itsura nila. Si Thea lang ang maayos at kanina pang nandito dahil malapit lang ang bahay nila sa bahay namin.

"Gosh! Nahuli tuloy tayo dahil sayo. Paalis na tuloy si Amora!" Ani Bea kay Joy.

"Sorry. Hindi ako nakapag alarm," ani Joy.

Humalakhak ako. "Wag na kayong mag away. Ang mahalaga naabutan nyo yung dyosa."

Ngumuwi sila sa sinabi ko.

"Please lang, Amora. Wag ngayon," ani Pearl at inirapan ako.

Humalakhak ako at lumapit na sa kanila para mayakap silang lahat. Nasa harap na namin ang itim na van na medyo iba sa ginamit ni Mrs. Salvador kahapon. Nakabukas na rin ang pintuan noon at nasa tabi noon ang isang bodyguard na naghihintay sa pagpasok ko.

Ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "Uuwi ako sa pasko."

"Magbabakasyon naman kami sa ibang lugar!" Ngumuso si Bea.

Ngumiti ako. "Magkikita pa naman tayo. Para nyo naman akong ginagawang patay nyan. Babalik rin ako!"

Ngumuso sila at muli akong niyakap.

"Mag iingat ka don, ha?" Si Sofia.

Tumango ako.

Niyakap ko rin sina Mama at Amara. Umiiyak na si Mama kaya niyakap sya ng mga kaibigan ko. Si Amara naman ay seryoso lang ang mukha pero nababasa sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

Napangiti ako. Simula noong iniwan kami ni Papa, hindi na sya naging masayahin pa. Nakaka miss ang dating Amara.

Naglakad ako palapit sa sasakyan. Bumagal pa ang lakad ko dahil sumisikip rin ang dibdib kong iwan silang lahat rito. Huminga na lamang ako ng malalim para magkaroon ako ng lakas ng loob.

Humarap ako sa kanila at muling kumaway. Kumaway rin sila pabalik at pagkatapos noon ay sumakay na ako sa loob ng sasakyan. Nilingon ko sila at nginitian.

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon