Kabanata 33
Like
--
Pagkatapos ng gabing yon ay hindi na muli akong ginulo ni Sir Joshua, nagpasalamat ako roon. Tahimik akong bumalik sa kwarto at hindi pinahalata kina Jana at Klara ang nangyari. Kahit pa nanunukso sila at hindi ako komportable roon dahil sa nangyari, nakisakay nalang ako para hindi na nila malaman pa. Tahimik lang rin akong natulog non at hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako.
Naiirita ako sa sarili ko dahil hindi naman dapat ako umakto ng ganon. Hindi dapat ako nagagalit. Hindi dapat ako nasasaktan. Napaka isip bata ko sa part na nagalit ako kahit alam ko namang nagulat lang si Sir Joshua roon kaya hindi agad nya natulak si Ella. Napaka isip bata ko at naiinis ako sa sarili ko.
Sinasabi ko na nga ba, eh. Dapat hindi ko na talaga hinayaan ang nararamdaman kong ito. Dapat pinigilan ko nalang kesa sa mas lalo pang lumala. Dapat umiwas na lamang ako para nawala na at hindi na ako nakakaramdam pa ng ganito. Dahil wala talagang nagiging magandang dulot ang nararamdaman kong ito para sa kanya. Wala.
Natulog ako nang mabigat ang pakiramdam. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil gusto kong umiyak kahit pa hindi naman ganon nakakaiyak ang nangyari. Nagulat lang sya kaya hindi agad nya natulak! Nagulat lang sya! Umintindi ka naman, Amora!
Pero bakit pa nga ba ako nag iisip ng ganito? Sino bang may paki kung mag isip ako ng ganito? Sino bang may paki kung magalit ako sa nangyari? Sino bang may paki kung nagselos at nasaktan ako? Sinong may paki? Wala naman, diba? Kahit siguro si Sir ay walang paki. Dahil hindi naman nya ako gusto. Yung nararamdaman kong gusto nya ako ay dahil lang yon sa assuming ako. Wala syang gusto sakin.
Nakatulugan ko lahat ng pag iisip. Kaya naman nang umaga ay hindi ganon kaganda ang gising ko, hindi ako makangiti at mas lalo akong naiinis roon.
Tsk. Tumigil ka na sa ka artehan mo, Amora. Wala namang mangyayari kung gaganyan ka nang gaganyan. Nakakainis lang.
"Hi,"
Natigil ako sa pagpiprito ng itlog nang marinig ang boses ni Sir Joshua. Agad kumabog ang dibdib ko at nanigas na naman ako sa kinatatayuan. Pero pinilit kong humarap sa kanya, nakita ko syang bahagyang nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip, seryoso ang paningin sa akin. Bahagya akong ngumiti.
"M-Magandang umaga po, Sir..." sabi ko at bumalik na sa pagluluto.
"I said wag ka nang mamopo,"
"U-Uh... s-sige..."
Hindi na sya nagsalita pagkatapos noon. Dinagdagan ko na lamang ang niluluto ko dahil paniguradong kakain rin sya. Nang matapos ay nilagay ko na lahat sa lamesa, nandoon ang panginginig ng aking buong katawan habang kumikilos. Tinulungan naman nya ako sa iba.
"Uh... a-ako na dyan, Sir. Kaya ko naman..." sabi ko.
"I want to help," titig na titig sya sa akin, para bang naninimbang.
Nag iwas ako ng tingin at tumango na lamang tsaka nilagay pa ang ibang pagkain sa lamesa. Nang matapos sa lahat ay umupo na sya sa hapag habang ako ay tumabi sa gilid at hinintay syang matapos kumain.
Ngunit gaya ng inaasahan, tinignan nya ako, alam ko na agad ang kanyang sasabihin.
"Sumabay ka na sakin,"
"H-Hindi na, Sir. M-Mauna na kayo..."
Hindi agad sya nagsalita. Tinitigan nya pa ako ng ilang sandali bago bumuntong hininga.
"Please, join me. Hindi na ako sanay nang hindi ka kasabay..."
Ilang sandali akong natigilan sa sinabi nyang yon. Hindi sya sa akin nakatingin habang sinasabi yon kaya hindi ko alam kung seryoso ba sya roon. Pero seryoso ang mga mata nya, nakatingin man sa malayo, kitang kita ko pa rin ang sinsiredad nya. Kitang kita ko rin kung paano mag alala ang kanyang mga mata dahil baka tanggihan ko sya.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
