Kabanata 18
Patong
--
Bumalik kami sa dance practice room pagkatapos ng nakakapagod ngunit napaka sayang performance. Nag apiran at tilian kami sa loob dahil alam naming maayos na maayos ang naging performance namin. Wala rin daw isa sa amin ang nagkamali at paniguradong nagustuhan ng mga teachers ang performance namin. Sigurado na daw na magkakaroon kami ng plus grade!
"Guys, sainyo na yung mga damit na iyan, okay? Libre yan ng school at gamitin nyo kahit saan nyo gusto," si Lia.
Tumango kaming lahat roon.
"Magpalit na kayo. Sabay sabay na tayong bumalik sa auditorium,"
Nag unahan kami sa banyo. Lima lang kasi ang cubicle roon kaya yung iba ay gusto nang mauna. Nakisali na rin ako dahil gusto ko na talagang magpalit. Tawanan ang namutawi sa amin nang hindi makapasok ang iba. Agad akong nakapasok sa isa kaya naman nagbihis na ako agad.
"Wag nyo kaming iiwan, ah? Mga loko loko kayo. May multo rito..." natatakot na sabi ng isa naming kasamahan.
Humalakhak kami roon. Wala namang multo rito. Kung ano ano lang talaga ang iniisip nila. Tsaka kung talagang may multo rito, babatiin ko sya. Bastos naman kasi kung hindi sila papansinin.
Lumabas ako nang matapos na. Agad silang nag unahan sa cubicle ko kaya natawa ako. Sa huli ay isa lang ang nakapasok pagkatapos nilang mag away na parang mga bata.
Inayos ko ang ipit ko sa harap ng salamin rito pa rin sa banyo. Inipit ko iyon ng half ponytail at pagkatapos ay nagsuot ako ng headband na puro kulay pulang bulaklak ang design. Flower crown. Bagay na bagay iyon sa pulang dress na suot ko. Napangiti ako. Si Jana ang nag suggest ng lahat ng ito sa akin. Ang galing galing nya talaga.
Umikot ikot muli ako sa harap ng salamin dahilan para magtawanan ulit ang mga kasamahan ko. Nandito na ako sa labas at nakaharap sa napaka laki naming salamin.
Grabe! Ang ganda ganda ko!
"Kailan ka kaya matatapos dyan?" Humalakhak si Lia.
"Kapag hindi na ako maganda," biro ko.
Mas lalo silang nagtawanan roon kaya nginusuan ko sila. Parang ayaw nila, ah? Mga bwisit na to.
Nang matapos na ang lahat sa kaartehan nila ay nagtungo na agad kami sa auditorium. Baka kung ano na ang nangyayari roon na hindi namin makita. Gosh. Baka hindi ko makitang kumanta si Klara.
"Nagsimula na kayong kumanta?" Tanong ko kay Klara nang makabalik kami.
"Hindi pa naman. Maya maya pa. Palaro muna,"
Tumango ako at nakahinga ng maluwag roon. Gosh. Akala ko hindi na ako naka abot.
Pinaupo ko ulit sya sa table namin para may makausap ako. Nakakausap ko naman ang mga kasamahan ko pero mas komportable akong makipag usap kay Klara. Mas gusto ko sa kanya.
Maraming palaro ang naganap. At habang nangyayari yon ay may mga lumalapit sa aming students at nagbibigay ng kung ano ano. Binabati nila kami at yung iba ay kinikilig pa na para bang mga lalaki kami. Tapos yung iba naman ay nakikipag picture pa.
Hindi ako sanay pero nakikisakay na lamang ako. Kapag may nagpapapicture sa akin ay ngumingiti na lamang ako sa camera dahil baka maging mapangit pa ang kalabasan noon. Marami rin silang binibigay na regalo sa akin na mas lalong hindi ko inaasahan.
Mga chocolates, pang ipit sa buhok, headband at kung ano ano pang maliliit na bagay na hindi ko alam kung bakit binibigay nila sa akin.
Gosh! Ganon ba talaga kapag nakasali ka sa dance troupe?
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Ficção Adolescente[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...