Kabanata 7
Dance
--
Nakasampa ako sa sink ng banyo habang ginagamot ni Klara ang sugat ko sa tuhod. Hindi naman ganon kalaki iyon pero sobrang hapdi kapag dinidikit nya ang bulak na may alcohol. Sobrang hapdi at sakit.
"Sorry, sorry..." agad sabi ni Klara nang mapadaing ako ng bahagya.
Ngumuso ako. "Bakit ba ganito ang mga tao rito? Wala namang ginagawa sa kanila pero kung ano ano ang ginagawa sayo."
"Pagpasensyahan mo nalang muna. Sa susunod na mga araw, malay mo baka hindi ka na nila awayin..." ani Klara.
Bumuntong hininga ako at humalukipkip na lamang. Ano pa nga bang magagawa ko? Kung hate nila ako, mas hate ko sila lalo. Unang araw ko dito tapos ganito na agad ang gagawin nila sa akin? Ang galing, ah? Napaka galing. Tsh.
Bumalik kami sa classroom pagkatapos gamutin ni Klara ang sugat ko. May band aid na syang nilagay roon. Nakakapaglakad naman ako syempre ng maayos. Tsh.
Nagtatawanan at nagbubulungan ang mga kaklase namin habang nakatingin sa amin. Kanina pa sila ganito. Titingin sa amin pagkatapos ay magbubulungan tsaka tatawa. Minsan hindi ko nalang pinapansin pero sa sobrang lakas ng bulungan nila ay naaabala ako sa pagbabasa. Bumubuntong hininga na lamang ako para pakalmahin ang sarili. Marami na ang gulong nangyari, ayoko nang dagdagan pa.
Nang mag uwian na ay pinuntahan na namin ang president ng school para makapag palista sa gusto naming salihan na club. Agad naman nya kaming nilista kaya masayang masaya kami ni Klara. Ang kailangan nalang naming gawin ngayon ay ang mag audition sa mga sasalihan namin.
Una muna naming pinuntahan ay ang dance practice room para makapag audition ako. Kinakabahan pa daw kasi si Klara kaya mas mabuting ako na muna anh mauna. Natawa nalang ako sa kanya.
"Hi. I'm Talia, Lia for short. I'm the leader of dance troupe," naglahad ng kamay sa akin si Lia.
"Amora," ngumiti ako.
Ngumiti rin sya. "So shall we start? What song do you want to dance?"
Medyo kinakabahan ako dahil marami silang nandito at nanonood sa akin. Nasa bench silang lahat at nakaharap sa akin. Nakatalikod naman ako sa malaking salamin na nandito at nakaharap sa kanila. Si Klara rin ay nanonood at nasa isa sa mga bench rin.
Sinabi ko ang kantang gusto kong sayawin. Mabuti nalang at meron sila ng gusto kong kanta. Eto yung kantang sinayaw namin ni Pearl sa kanilang rooftop noon. Vinideo namin at in-upload sa youtube nya. Gustong gusto ko ang sayaw na ito dahil pareho naming ginawa ang mga steps rito.
"One, two, three, play," ani Lia.
Nagsimula ang kanta sa mabagal na tugtog. Cool ang mga steps na ginawa namin ni Pearl kaya sana gumana ito sa kanila at makapasok ako sa dance troupe. Ilang segundo lang ang slow dance na yon at bigla biglang napunta sa mabilis at masiglang tugtog. Rock song ang kantang ito at mahirap man ang nga steps, cool naman kapag sinayaw.
Nahihiya ako dahil hindi ko pa sila kilala kaya inisip ko nalang na mag isa ako at walang kasama. Hindi ako tumitingin sa mga mata nila kundi sa pader na nasa kanilang likod. Black ang lahat at na sa akin lang ang spot light. Iyon ang iniisip ko habang sumasayaw. Para hindi ako kabahan at hindi maapektuhan ang pagsasayaw ko.
May mga sexy moves din kaming ginawa ni Pearl rito. Kung hindi ko lang talaga iniisip na walang tao sa buong lugar, malamang nahiya na akong ipakita ang sexy moves na yon.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...