Kabanata 23
Kaba
--
Maingay at nagkakatuwaan ang mga kaibigan ko sa labas ng bahay namin. Excited sila sa mga pasalubong na binili ko at paniguradong nag aagawan na rin sila roon.
Nagbihis lang ako ng pambahay at binigay na rin kina Mama at Amara ang pasalubong ko sa kanila. Damit at chocolates ang binili ko kay Amara, mahilig kasi sya sa mga chocolates. Habang yung kay Mama naman ay mga simpleng damit lang. Panigurado kasing pagagalitan nya ako kapag binili ko sya ng mamahaling damit o kung ano ano pang bagay. Binili ko rin sya ng bagong tsinelas. Napansin ko kasing luma na ang kanyang tsinelas bago ako umalis papunta sa Laguna noon.
Pagkatapos magbihis ay nagtungo na ako sa mga kaibigan kong sobrang iingay pa rin. Gustong gusto nila ang mga binili ko kaya napangiti ako.
"Akin na lang to! Hindi ka naman mahilig sa mga ganito, eh!" Kinuha ni Joy ang isang librong para kay Sofia.
"Binili yan sa akin ni Amora! Sa akin yan dapat!" Kinuha ni Sofia kay Joy ang libro ngunit hindi iyon binitawan ni Joy.
"You will not read it naman, eh!"
"Of course I will read that! Amora bought that for me!"
"Liar! You have never read a book!"
Humalakhak si Bea sa kanila. "Tama na nga yan! Joy ibigay mo na yan kay Sofia. For sure binili ka rin ni Amora," kinuha ni Bea ang paper bag ni Joy at hinanap kung may binili nga ba ako.
Nakangusong binitawan ni Joy ang libro. Tumawa sa kanya si Sofia at nang inis pa. Matalim syang tinignan ni Joy.
Humalakhak ako at nagtungo na sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Thea at tinignan ang mga paper bags na nasa lamesa.
"Amora! OMG! Thank you dito!" Si Pearl at sinukat sa katawan nya ang isang croptop.
Ngumiti ako. "Suotin mo yan palagi, ah!"
"Of course!" Hinalungkat nya pa ang kanyang paper bag.
"Eto, oh!" Si Bea at nilabas ang dalawang magkadikit na libro sa paper bag ni Joy.
Nagliwanag ang mukha ni Joy. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang librong binili ko para sa kanya.
Kinuha nya yon kay Bea. "Oh my! Eto yung matagal ko nang gustong libro!" Tumingin sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya ang pangingilid ng luha.
"Oh?" Nagulat ako ngunit napahalakhak na lamang kalaunan. "Wag ka nang umiyak. Akala mo naman hindi mo yan kayang bilhin,"
Ngumuso sya. "Wala akong time para mabili ito, eh. Tsaka nauubusan ako palagi," tumayo sya at pumunta sa akin. Niyakap nya ako. "Thank you so much!"
Napangiti ako. Nagpatuloy sila sa pagpapasalamat sa akin. Minsan natatawa nalang ako kapag naiiyak sila. Gustong gusto kasi talaga nila ang mga binili ko. Masaya akong nagustuhan nila lahat yon. Nakakataba ng puso pero dahil nga ayokong magdrama, dinadaan ko na lamang sa pagtawa ang lahat.
"Kamusta naman roon?" Nanunuksong tumingin sa akin si Bea. "Kamusta ang mga mata mong palaging nakakakita ng gwapo?"
Natigilan ako sandali nang maalala si Sir Joshua. Namula ang pisngi ko at nag iwas ng tingin sa kanila, nagkunwari akong tinitignan ang libro na binili ko para kay Joy.
"A-Anong gwapo? Hindi naman sya ganon kagwapo..." sabi ko.
"Aysus!" Si Pearl. "Bakit may utal?"
"Hindi ako nauutal!" Agad kong depensa.
Humagikgik sila.
"Eh, kamusta nga? Magkwento ka dali!" Si Sofia.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Novela Juvenil[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...