Kabanata 21
Crush
--
Kinabukasan, linggo, wala akong masyadong ginawa noong umaga. Hindi pa kasi bumababa si Sir Joshua. Hindi ko alam kung gising na ba sya at ayaw nya lang bumaba o natutulog pa sya. Kaya naman napag desisyunan ko na lamang na magwalis sa likod ng mansyon. Alas otso na ng umaga at gising na rin sina Jana at Klara, nagluluto na sila ng agahan nina Ma'am Juliette at Sir Nicolas sa kusina.
May araw na sa labas. Hindi naman ganon kainit at sakto lang sa balat. Ang mga berdeng puno ay mas lalong tumitingkad ang kulay nang dahil sa araw. Ganon na rin ang mga bulaklak na nakabalibot roon. Para akong nasa fairy tale sa ganda ng kanilang hardin. Balita ko ay si Ma'am Juliette ang nagpapa alaga rito dahil mahilig sya sa bulaklak.
Napangiti ako dahil paborito ko rin ang mga ganito. Yung mga puno, halaman, bulaklak at kung ano ano pang tungkol sa nature. Yun nga lang, nakakalungkot dahil wala na masyadong puno sa iba't ibang lugar. Puro sasakyan nalang at buildings. Sa mga bahay nalang na ganito nagkakaroon ng mga halaman at bulaklak.
Napabuntong hininga ako. Sana kahit magpatuloy ang panahon at magkaroon na ng mga panibagong technology, hindi pa rin sana nila makalimutang magtanim ng mga halaman dahil ito lamang ang bumubuhay at nagbibigay kulay sa mundo. Sana hindi iyon mawala sa puso ng mga tao.
Nagwalis ako ng mga halamang nalalaglag galing sa mga puno. Inisip ko nalang na nasa isang gubat ako at ako ang dyosa. Napaka ganda ng sikat ng araw at nagbibigay iyon ng galak sa akin. Napaka sarap pagmasdan ng mga punong nagsasayawan dahil sa bahagyang malamig na hangin. At ang mga bulaklak na sobrang babango na dinadapuan ng mga paro paro. Napaka sarap pagmasdan ng lahat ng ito. Napaka sarap sa mata.
Sa huli ay natawa na lamang ako sa aking sarili nang ma-realized na mukha akong shunga. Mahinhin pa akong nagwawalis na paniguradong hindi bagay sa akin kaya maa lalo akong natawa. Para na akong baliw rito na tumatawang mag isa.
Nang mangalahati sa pagwawalis ay naupo muna ako saglit sa bench. Sinandal ko ang walis ko roon tsaka nilanghap ang hangin na sumimoy. Saktong sakto lang talaga ngayon ang simoy ng hangin, hindi malamig at hindi rin ganon kainit. Sana December nalang araw araw.
Pumikit ako para sana mas madama pa ang sarap ng hangin ngunit agad akong napadilat nang makita ko ang pagmumukha ni Sir Joshua. Nanlaki ang mga mata ko at napakurap kurap nang ilang beses. At nang ma-realized ang nangyari ay napatakip ako sa aking bibig.
"Oh my gosh! Whaaa! Anong nangyayari sakin?" Napahawak ako sa aking ulo at napayuko.
Pumikit ako ng mariin at pumadyak padyak na parang bata. Iniling iling ko ang aking ulo para mawala sya sa isipin ko pero patuloy lang syang lumilitaw.
"Gosh! Ano ba talagang nangyayari? Whoa! Nababaliw na ba ako? Bakit sya lumilitaw sa isip ko? Ganito ba talaga kapag nagka crush? Bakit sobra naman yatang lala? Oh my gosh! Hindi ko kaya to! May crush na ba talaga ako kay Sir? Hindi pwede!!" Sunod sunod kong sabi tsaka muling nagpapadyak.
"Ano?!"
Nagugulat akong napalingon sa kaliwa ko kung nasaan sina Jana at Klara. Nanlaki ang mga mata ko lalo nang makita ang nanlalaki nilang mga mata, hudyat na narinig nila ang mga sinabi ko! Sabay pa silang kumurap kurap na para talagang gulat na gulat.
Agad akong napatayo at natatarantang nagsalita. "A-Anong ginagawa nyo rito? A-Anong narinig nyo?"
"Oh my gosh!" Napahawak sa bibig nya si Jana.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...