Kabanata 31
Titig
--
Kinabukasan ay sinabay ulit kami ni Sir Joshua sa kanyang sasakyan, palagi namang ganon. Yun nga lang, hindi ako makatingin sa kanya. Sa bintanang nakabukas lang ako nakatingin at pulang pula na panigurado ang pisngi ko dahil alam kong panay ang tingin nya sa akin. Halos takpan ko ang mukha ko sa kahihiyan ngunit hindi ko magawa dahil baka mas lalo nya akong pagtawanan.
Nagsisisi ako. Sobrang nakakahiya yung pinag gagagawa ko kagabi pati na rin yung mga sinabi ko. Gosh! Ngayon ko lang napagtanto na sobra talaga akong nakakahiya. Wala sa lugar ang ginawa ko at sobra akong nagsungit! Sobrang kahihiyan!
Kaya ngayon ay hindi ako makatingin sa kanya. Ni sulyap ay hindi ko magawa! Kung dati ay nakakailang na, ngayon ay mas lalo pang nakakailang! Gosh! Bakit ko ba kasi ginawa lahat ng yun kagabi? Sobra talagang nakakahiya!
Grabe. Ngayon may panibago akong nalaman sa sarili ko. Hindi ko pala napipigilan ang damdamin at bibig ko kapag sobra akong nagagalit! Huhu! Anong ginagawa sakin ng lalaking to?
Pagdating sa school ay ganon pa rin ako, hindi pa rin makatingin sa kanya habang sya ay malayang nakakatingin sa akin, nakangisi pa na para bang hanggang ngayon ay natutuwa. Mas lalo akong nahiya!
Siniko ko si Klara habang naglalakad kami papuntang classroom. Tumingin sya sa akin. "Bakit ka sinabay ni Zil kagabi? Anong ginawa nyo?"
Nakitaan ko ng kaba ang mukha nya sa tanong ko. Bahagyang kumunot ang aking noo.
"W-Wala naman kaming ginawa. T-Tsaka hindi ko alam kung bakit nya ako sinabay. Basta ang sabi nya lang ay kailangan nyong mag usap ni Sir kaya pumayag na ako. H-Hindi ko talaga alam kung bakit nya ako sinabay..." nag aalala nyang sinabi habang nakatingin sa akin.
Napakurapkurap ako. Ah.. kaya sya nag aalala ay dahil alam nyang si Zil ang gusto ko. Muntik ko nang makalimutan ang bagay na yon.
"N-Nagsasabi ako ng totoo, Amora. Hindi ko talaga alam. Pumunta lang kami kagabi sa mall dahil nag aya sya. Hindi ako makatanggi dahil kung tatanggi ako ay hindi ko alam kung paano uuwi. Natatakot akong umuwing mag isa. S-Sorry. G-Gusto mo bang lumayo ako sa kanya--"
Agad akong umiling roon. "Hindi, noh! Bakit ko naman gugustuhing lumayo ka sa kanya?"
"Eh, k-kasi.. diba gusto mo sya?"
Huminga ako ng malalim at humawak sa aking sintido. Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin ito sa kanya pero sige na nga, sasabihin ko na. Tutal mukhang nakaka abala na ako sa love story nila kaya kailangan ko na sigurong aminin. Hindi pwedeng magtagal ang mga malalaking bagay katulad ng ganito.
"Klara, ano kasi..." bumuntong hininga ako, nahihirapan sa sasabihin.
"Mmm?"
Gosh! Kung sasabihin kong hindi ko talaga gusto si Zil, paano kung magtanong sya kung sino talaga ang gusto ko? Paano kung mapagtanto nya na si Sir Joshua talaga ang tinutukoy ko nung araw na yon? Gosh! Siguro naman hindi nya iisipin yon, diba? Inosente sya kaya hindi sya magtatanong ng ganon!
"H-Hindi ko kasi totoong.. g-gusto si Zil..." sambit ko.
Natigilan sya at napatingin sa akin. Napahinto rin sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto na rin. Lumunok ako at pilit na ngumiti sa kanya, hinihiling na sana wag na syang magtanong pa.
"T-Talaga?" Anya.
Tumango ako at nag iwas ng tingin. Nag init ang pisngi ko. "H-Hindi ko sya gusto..."
"Hindi sya ang crush mo?"
"H-Hindi..."
"Talaga?" Narinig ko ang bahagyang saya sa kanyang pananalita kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Genç Kurgu[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...
