Kabanata 10
Sorry
--
Hawak hawak sa baywang akong dinala ni Zil sa hagdan ng swimming pool. Agad sumalubong si Klara na umiiyak na sa sobrang pag aalala sa akin. Ako naman ay umubo ubo dahil sa mga nalunok na tubig.
"A-Amora..." humagulgol si Klara at yumakap sa akin. "A-Ayos ka lang?"
Nanginginig ako. Sobra sobra ang panginginig ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso na nakayakap sa aking leeg tsaka napahagulgol na rin. Sobrang takot na takot ako. Akala ko mamamatay na ako. Akala ko wala nang magliligtas sa akin.
"Damn it!" Sigaw ni Zil tsaka kinwelyuhan si Sir Joshua. "Why did you do that? She almost died!" Galit na galit nyang sigaw.
Ngumisi lang sa kanya si Sir Joshua na halata na talaga ang kalasingan.
"Bro, calm down," pag aawat ng iba sa kanila.
"Calm down? How can I calm down? I thought it was just Ella! Ikaw rin pala!" Singhal muli ni Zil.
Kinalas ko ang pagkakayakap sa akin ni Klara tsaka tumayo nang dahan dahan. Punong puno ng luha ang mga mata ko pati na rin ang pisngi ko. At kahit nanginginig ay pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa kanila.
Nakatingin lang ako kay Sir Joshua na napunta rin sa akin ang paningin nang mamataang tumayo ako. Hawak pa rin sya ni Zil sa kwelyo at wala akong nakikita sa kanyang mga mata kundi galit at pagkatuwa. Hindi ko alam kung anong mas nangingibabaw sa dalawang emosyong nakikita ko sa kanya pero hindi ko na yon inintindi pa.
Galit na galit ako. Gusto ko syang paghahampasin at ihulog rin sa pool. Muntik na akong mamatay nang dahil sa kanya. Muntik na akong malunod. At wala manlang akong nakikitang kaunting pagsisisi sa kanyang mga mata. Para ngang tuwang tuwa pa sya sa nangyari.
"Bakit mo yon ginawa?" Nanggagalaiti kong tanong. "Alam mo bang buhay ko ang nakataya roon?! Alam mo bang pwede akong mamatay sa ginawa mo?" Sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
Bahagya syang napa atras nang marahas syang bitawan ni Zil. Nasa akin pa rin ang paningin nya. Nakangisi pa rin sya na mas lalong nagpapainis sa akin.
Bakit hindi manlang sya nakokonsensya sa ginawa nyang pagpatid sa akin? Bakit hindi manlang sya nagsisisi? Bakit parang natutuwa pa sya? Bakit ba palagi nalang nyang ginagawa sa akin to?
Kung papahirapan nya ako, makakaya ko pa. Pero kung buhay ko na ang magiging kapalit sa mga ginagawa nya, hindi ko na yata kaya. Sobrang sakit sa pakiramdam na sobrang dali lang para sa iba na tapusin ang buhay ko. Para nya akong ginawang laruan. Sobrang sakit para sa akin noon.
Humagulgol ako nang tignan nya lamang ako at wala manlang sinabi kahit isa. Para bang sinasabi nya sa akin gamit ang mga mata na dapat lang sa akin yon. Na dapat nawala nalang ako.
Sa galit ko ay sinugod ko sya at pinaghahampas sa dibdib. Pinaghahampas ko sya gamit ang buong lakas ko. Binuhos ko sa kanya lahat ng galit na nararamdaman ko. Ginawa ko yon habang humahagulgol at wala manlang syang ginawa. Hindi nya ako pinigilan. Hinayaan nya lang na saktan ko sya nang saktan.
"Ano bang naging kasalanan ko sayo? Anong bang nagawa ko? Anong ginawa ko para gawin mo sakin lahat ng to? Ha? Kaya ko namang tiisin lahat ng pagpapahirap mo sakin pero buhay ko na itong muntik mo nang kunin! Napaka sama mo! Napaka sama mo!" Paulit ulit kong sigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/234413688-288-k283596.jpg)
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Teen Fiction[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...