KABANATA 13

162 13 0
                                    

Kabanata 13

Date

--

Nagpatuloy ang party na hindi na ako masyado pang nag e-enjoy. Habang nagiging masaya naman ang iba at sumasaya na rin ng paunti unti ang tugtugin. Sila Klara at Jana rin ay puro tawanan nalang ang ginagawa. Natatawa rin sila sa mga napapanood sa harapan at ganon rin ang iba. Si Bea ay pumunta na rito sa table namin ilang minuto ang lumipas at nakisaya kina Jana at Klara. Nagkakilala na sila at tulad ng inaasahan ko, madali lang silang nakapag palagayan ng loob.

"Are you okay? Kanina ka pa walang kibo, ah?" Puna sa akin ni Bea nang halos isang oras na akong nakatulala lang at bahagya lang na nakikitawa sa kanila.

Umiling ako at ngumiti sa kanya para hindi sya makahalata. "Ayos lang ako. Masaya naman ako, ah?"

Inirapan nya ako. "Pwede ba, Amora Braze? Kilala kita kaya wag ka nang sumubok na magsinungaling. Anong problema?"

Umiling muli ako at pilit pa ring ngumiti sa kanya. "Maayos lang talaga ako. Medyo namimiss ko lang sina Sofia. Sayang lang dahil wala sila ngayon..."

Nanliit ang mga mata nya sa akin at mas lalo pa akong tinitigan. Umiwas na lamang ako ng tingin at uminom sa baso ko. Napailing iling sya roon.

"Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sayo rito dahil malayo na tayo sa isa't isa. Pero wag naman sanang pati ang pagkakaibigan natin ay lumayo na," anya.

Agad akong tumingin sa kanya at umiling. "Hindi. H-Hindi naman iyon yung ibig kong sabihin. Talagang m-may kaunti lang akong iniisip,"

"Pwede mo naman kasing sabihin sa akin lahat. Tulad ng ginagawa mo noon. Sinasabi mo sa amin lahat ng problema mo pero bakit ngayon ayaw mo? Feeling ko lumayo na ang loob mo sa amin,"

"Hindi. Hindi talaga. Ayos lang talaga ako. Wala akong problema. S-Stress lang siguro ako sa school..."

Bumuntong hininga sya at tinignan ako ng mabuti. Pinilit ko namang ngumiti at gawing masaya ang sarili para mapaniwala ko sya na ayos lang ang lahat. Sa huli ay muli na lamang syang bumuntong hininga at hinayaan na ako.

Napatingin na lamang ako sa pagkaing nasa harapan ko at pinaglaruan ang kutsara noon. Kinagat ko ang aking labi tsaka nag angat ng tingin sa mga Salvador na nakikipag tawanan sa malayo.

Tumatawa ang matanda at ganon na rin sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas. Habang si Sir Joshua naman ay bahagya lamang na nakangiti habang nakatingin sa gawi ko.

Iyon na naman yung seryosong tingin nya na para bang pinag aaralan ako. Nakahalukipkip pa sya at nakaharap ang katawan sa akin. Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin pero nagbaba na lamang ako ng tingin at huminga ng malalim.

Natapos ang party na sobrang gabi na. Nagpaalam ako kay Bea nang wala pa ring gana. Mas lalong nadagdagan ang bigat sa dibdib ko ngayong aalis na ulit sya.

Magsiuwian na rin ang lahat ngunit ang mga kaibigan ni Sir Joshua ay nanatili sa mansyon. Mag iinuman at magsasaya pa sila para sa birthday ni Sir Joshua. Pinayagan sya ngayong mag inom nina Ma'am Juliette dahil birthday nya naman.

Hindi napansin nila Klara at Jana ang panghihinang nararamdaman ko. At mabuti naman yon dahil ayaw kong mag alala sila sa akin.

Madilim na ang kwarto, tulog na sina Klara at Jana, tahimik na rin ang buong paligid pero heto ako at gising na gising pa rin. Nakatalikod ako ng higa kina Klara dahil baka magising sila at makita pa akong gising habang nangingilid ang mga luha.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Sa isang simpleng apelyido lang na yon ay todo na agad akong sinasaktan. Napaka sakit.

Choosing my Dreams (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon