Kabanata 22
Black
--
Gabi nang ibigay sa amin nina Ma'am Juliette at Sir Nicolas ang sahod namin. Mangha at masayang masaya ako nang matanggap ko ang unang sahod ko. Noon lang ako nakatanggap ng napaka laking perang pinaghirapan ko. Napaka saya sa pakiramdam.
Tumawag ako kay Thea at kinausap sina Mama at Amara. Binalita ko sa kanilang nakuha ko na ang sahod ko at bukas na ang uwi ko. Excited naman sila pati si Thea na nandoon rin panigurado sa aming bahay. At pagkatapos ng kwentuhan at kaunting kamustahan ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Masaya akong bumalik sa aking kwarto.
Ang nag iimpakeng si Jana at si Klara na nasa kanyang higaan na sa taas ng double deck ang naabutan ko. Agad akong binigyan ng nakakalokong tingin ni Jana kaya inirapan ko sya at nagtungo na lamang sa aking cabinet para makapag impake na rin ng gamit para bukas.
"Ikaw, ah? May lihim ka palang pagtingin kay Zil!" Tukso ni Jana.
"Tsk. Tumigil ka na nga..." nahihiya kong sinabi. Namula ang pisngi ko.
Nagpatuloy lang sya sa panunukso sa akin habang si Klara ay nakatitig lang sa akin. Ang mala pusa nyang mga mata ay napaka inosente na para bang nagtataka sa kung ano. Wala man syang pinapakitang emosyon, nakikita ko sa kanya na parang may bumabagabag sa kanya. At dahil napaka dali nyang basahin, alam kong hindi nya rin maintindihan ang kanyang nararamdaman.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nag ayos na lamang ng damit. Hindi ko alam kung anong iniisip o nararamdaman nya. Ang alam ko lang ay nababagabag sya sa ginawa kong pag amin. Hindi ko rin alam kung may pagtingin na rin ba sya kay Zil kaya sya nagkakaganyan pero hindi nya lang alam sa kanyang sarili o talagang trip nya lang tumitig sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanilang hindi si Zil ang totoong gusto ko. Ayokong umamin dahil baka kulitin nila ako kung sino ang totoo. At natatakot akong baka masabi ko nga sa kanila ang totoo. Ayokong umamin dahil hindi ko pa naman sigurado ang totoo kong nararamdaman.
"Kailan pa yan nagsimula? Ha?" Pangungulit muli ni Jana, nandoon pa rin ang panunukso sa tinig.
Inirapan ko sya ulit. "Tumahimik ka na nga. Hindi naman importante yon..."
Humalakhak sya. "Sus! Nahihiya ka pa dyan! Bukas kapag pauwi na tayo, kailangan mong sagutin ang mga tanong ko kundi sisiguraduhin kong hindi ka na makakarinig dahil sa napaka lakas kong boses,"
Tsh. Hindi naman ako nahihiya. Sadyang natatakot lang akong baka masabi ko sa kanila ang totoo. Wala pang kasiguraduhan ang nararamdaman ko. Iniisip ko palagi na baka nalilito lang ako o baka kung ano lang ito. Pero kahit anong isipin ko, hindi ko talaga alam. Hindi pa ako kailanman nagkagusto sa isang tao. Lahat ng nanliligaw sa akin noon, hindi ko binibigyan ng pansin. Dahil sinabi ko nun sa sarili ko na pag aaral muna ang uunahin ko.
Pero hindi ko talaga maintindihan. Wala akong maintindihan. Noon, sa amin, may mga lalaking nagagwapuhan ako, pero hindi ganito ang nararamdaman ko. Hindi bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ako naiilang at hindi ako nahihiya. Nagpaparinig at nagpapapansin pa nga ako noon sa kanila. Pero ngayon? Kay Sir Joshua? Hindi ko maintindihan. Wala talaga akong maintindihan!
Iniling ko na lamang ang ulo ko at hindi na nag isip pa. Wala lang to. Siguro crush lang ito o attraction na sinasabi nila. Siguro nagkaganito lang ako dahil sa mga kabutihang pinapakita nya. Wala lang to. Oo. Dapat wala lang to!
Alam kong magulo, dahil ako mismo sa sarili ko, wala akong maintindihan. Kaya gusto ko muna sanang pag isipan ng mabuti. Gusto ko munang makiramdam at mag isip. Tsaka kung may maramdaman talaga akong iba, hindi naman ako magsasalita. Dahil alam kong hindi naman importante ito. May ibang gusto si Sir. May Ella na sya.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...