Kabanata 16
Go With Me
--
Dinilat ko ang aking mga mata at nakitang nasa kwarto na ako. Nilibot ko ang aking paningin at babangon na sana nang biglang sumakit ang aking ulo. Napahawak ako roon at napapikit ng mariin.
Anong nangyari?
"Amora! OMG!" Boses ni Jana.
Dumilat ako at tumingin kay Jana, nag aalala ang kanyang mukha. Umupo sya sa tabi ng aking kama tsaka hinipo ang noo ko.
"Medyo mainit ka pa. Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong nya.
Umiling ako at kasabay noon ay ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Klara na agad pumunta sa akin sa nag aalalang mukha.
"Gising ka na. Ayos ka na ba?" Hinipo nya rin ang noo ko.
"Medyo mainit pa sya," ani Jana.
Pilit akong bumangon ngunit agad nila akong pinigilan.
"Wag ka na munang bumangon. Magpahinga ka muna," ani Jana.
"Baka mabenat ka, Amora," ani Klara.
Umiling ako at pilit pa ring bumangon.
"Amora..." pigil ni Klara.
"Tsk. Ang tigas ng ulo mo. Magpahinga ka muna," ani Jana.
Napabuntong hininga sila nang hindi na ako napigilan pa. Nilibot ko muli ang paningin ko sa buong kwarto tsaka sila tinignan.
"Anong nangyari? Paano ako napunta rito?" Namamaos kong tanong.
"Hindi mo maalala?" Ani Klara.
Umiling ako tsaka hinawakan ang ulong sumasakit pa rin. Napapikit muli ako.
"Niligtas ka ni Sir Joshua. Wala kang malay nang dalhin ka nya rito," ani Jana.
Dumilat ako. Inalala ko ang nangyari at ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang maalala ang mga nangyari. Bumilis ang paghinga ko at nanlalaki ang mga matang napatingin kina Jana at Klara.
"W-Wala na ba sila?"
Umiling si Jana at hinawakan ako sa kamay. "Wala na, Amora. Wag ka nang matakot. Ligtas ka na..."
Napahawak ako sa aking ulo habang mabilis pa rin ang paghinga. Nangilid ang luha ko at dahil sa matinding takot na nararamdaman ay napaiyak na lamang ako. Agad akong niyakap nina Jana at Klara para mapakalmahin.
"Shh..." ani Jana.
Napahawak ako sa aking leeg, sa braso at sa hita. Paulit ulit ko iyong hinaplos dahil pakiramdam ko nandoon pa rin ang mga haplos ng mga lalaking yon. Nang makumpirmang wala na doon ang mga kamay nila ay nayakap ko na lamang ang aking tuhod habang sina Jana at Klara ay nakayakap pa rin sa akin. Mas lalo akong napahikbi.
"Shhh.. ayos na ang lahat, Amora. Wala nang mananakit sayo..." pang aalu ni Jana.
Narinig ko na rin ang paghikbi ni Klara. "Dapat talaga hindi na kita hinayaang umalis mag isa. Kasalanan ko to, eh..."
Umiling ako. Gusto kong sabihin na wag nyang sisihin ang sarili nya dahil wala namang may kasalanan. Pero wala pa akong akong lakas para magsalita, baka mas lalo lang akong mapahikbi.
Sobrang takot na takot ako. Akala ko may mangyayari na sa aking masama. Akala ko magagalaw na nila ako. Akala ko mamamatay na ako. Wala akong ibang maramdaman kundi kaba at takot. Para akong hinihika sa pag iyak. Sobra rin akong nanginginig dahil hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang mga tawa nila. Nararamdaman ko pa rin ang mga haplos nila. At kinikilabutan pa rin ako sa tuwing nakikita ko sa aking isipan ang mga nakangisi nilang mukha.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Jugendliteratur[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...