Kabanata 32
Kiss
--
Nagdaan muli ang mga araw na ganon lang palagi ang nangyayari. Sinasabay pa rin kami palagi ni Sir Joshua papunta at pauwi ng school. Hindi rin nagbabago ang trato nya sa akin. Palagi pa rin syang nakatitig at palagi ring sumasabay sa pagkain. Kaya naman palagi nang nagkakasama ngayon si Zil at Klara, nagiging mas close pa sila sa isa't isa at talagang makikita mo yon sa kanila. Mailap kasi si Klara, at ang makitang komportable sya kay Zil ay nagsasabing close na nga talaga sila.
Nalaman na rin ni Jana ang hindi ko totoong pagkakagusto kay Zil. Nadulas kasi roon si Klara habang pinag uusapan namin yon isang araw. Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya iyon. Pero syempre, hindi ko pa rin sinabi kung sino talaga ang lalaking gusto ko. Hindi pa nga kasi ako handa. Tsaka paniguradong puro tukso ang aabutin ko kay Jana. Ayoko munang sabihin.
Palagi rin akong tumatawag kay Thea para makausap sya at ganon na rin sina Mama at Amara. Kamustahan lang ang napapag usapan namin. Ganon rin naman yung mga kaibigan kong plaging nagtetext at tumatawag sa akin. Nangangamusta lang rin at sinasabing miss na nila ako. Namimiss ko na rin naman sila lalo na at sa pasko nalang ulit ang uwi ko roon, matagal pa bago kami magkikita kita.
Maayos rin ang pag aaral ko. Palagi pa ring matataas ang mga grado ko at masaya ako roon, pinagbubutihan ko talaga para mas lalo pang maging proud sa akin si Mama.
At ngayon ay katatapos ko lang mag agahan. Nabunutan nga ako ng tinik nang hindi ko maabutan roon si Sir Joshua sa kusina, baka natutulog pa. Sa nagdaang mga araw kasi, hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko sa kanya. Oo! Hindi maganda! Dahil palagi nalang nya akong binibigyan ng kaba! Lalo na ang lintik na ngiti nya kapag nakikita ako, mas lalo pa akong pinanghihina.
Sa totoo lang ay hindi talaga ako sanay. Mas sanay ako sa seryoso nyang mga mata palagi sa akin. Kahit na palagi syang nakatingin sa akin, seryoso naman at hindi nakangiti! Gosh! Pinapabilis ng ngiting iyon ang puso ko kaya mas magandang seryoso nalang sya palagi! Pero talagang nakangiti na sya palagi sa akin! Hindi na kailanman nabago!
Pero aaminin ko rin na mas nagugustuhan ko na ang pagngiti nya sa akin ngayon. Napaka gwapo nya sa paningin ko kapag ngumingiti sya sa akin. Minsan ay napapangiti ako ngunit pinipigilan ko, at dahil pinipigilan ko ay nag iinit palagi ang pisngi ko. Hindi ko mapigilan. Kaya naman nauuwi ako sa pag iwas sa kanya para lang hindi nya makita na kinikilig ako. Napaka arte ko palagi sa part na yon at pakiramdam ko napaka haba ng buhok ko.
Pagkatapos ng gabi na yon ay hindi ko na pinigilan pa ang nararamdaman ko. Dahil sa mga pinapakita nya sa akin, alam kong may nararamdaman na rin sya.
Yun nga lang, palagi pa rin akong umiiwas. Ayokong pag usapan kami sa school lalo na at bali balita na ang palaging pagdikit nya sa akin. Ayokong palagi akong tinatanong sa bagay na yon dahil naaapektuhan ang pag aaral ko. Palagi akong nagugulo kaya medyo umiiwas na ako. Hindi ko rin sya masyadong kinakausap sa tuwing sumasabay sya sa pagkain. Hindi rin naman sya nagsasalita at tinititigan lang ako palagi.
Hindi ako nag a-assume. Sa mga pinapakita nya palang, alam ko na na meron talaga.
Nagwawalis ako rito sa likod ng mansyon. Nitong mga nakaraang araw, hindi na ako masyadong inuutusan ni Sir Joshua. Madalas nya nalang akong pinagdadala ng mga snacks sa kanyang kwarto. Hindi na nya ako inuutusan ng mga gawaing bahay katulad ng paglalaba, paglilinis at kung ano ano pa. Kaya madalas akong tamarin. At ngayon ay paniguradong wala na naman syang iuutos kaya mas mabuting magwalis nalang ako rito kesa sa wala akong ginagawa.
Ngunit habang nagwawalis ay natigilan ako nang biglang sumulpot at umupo si Sir Joshua sa upuang bato na naroon malapit sa pinagwawalisan ko. Natigil ako sa pagwawalis at napatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib ko nang makita na naman ang nakangiti nyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Choosing my Dreams (Book One)
Novela Juvenil[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kapos sa pera, ipinagpapatuloy nya pa rin ang kanyang buhay na kahit ang problema ay hindi nya hinahaya...